NU BULLDOGS NAKUHA ANG SOLO LIDERATO | Bandera

NU BULLDOGS NAKUHA ANG SOLO LIDERATO

Mike Lee - July 31, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro sa Sabado
(Araneta Coliseum)
11 a.m. UP vs UST
4 p.m. La Salle vsAdamson
Team Standings: NU (4-1); Ateneo (3-1); FEU (3-1); UST (2-1); La Salle (2-2); UE (2-2); Adamson (0-4); UP (0-4)

SINOLO uli ng National University Bulldogs ang liderato habang sumosyo sa ikalawang puwesto ang Far Eastern University Tamaraws nang manalo ang mga ito sa 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nilimitahan lamang ng NU ang Adamson University Falcons sa pinakamasamang shooting mula 2003 na 16 porsiyento (9-of-57) tungo sa dominanteng 62-25 pananaig at umangat sa team standings sa 4-1 karta.

“When we watched Adamson in the last two games they were really shooting well,” sabi ni NU coach Eric Altamirano. “Today they were not shooting well. It just so happened we played good defense and they couldn’t buy any shot.”

Umiskor ng 11 puntos lamang sa first half ang Falcons para maiwanan ng 29 puntos, 40-11, sa halftime. Tatlong  field goals lamang ang kanilang naibuslo mula sa 24 attempts.

Si Rodolfo Alejandro ay may 10 sa kanyang nangungunang 13 puntos sa first half, kasama ang dalawang three-pointers para pangunahan ang impresibong panimula.

Ang pamalit na si Celedonio Trollano ay may pitong puntos para sa Falcons na humugot lamang ng anim na puntos sa kanilang starters.

May 21 puntos si Mark Belo, si Anthony Hargrove ay may 14 puntos at 12 boards at si Mike Tolomia ay naghatid ng 13 puntos para bigyan ang Tamaraws ng 73-63 panalo sa host University of the East Red Warriors sa unang laro.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng FEU para saluhan ang nasa pangalawang puwesto na Ateneo de Manila University Blue Eagles habang ang Warriors ay natalo sa ikalawang sunod para bumagsak sa pakikisosyo sa ikalimang puwesto kasama ang nagdedepensang kampeon De La Salle University Green Archers.

Bukod sa pagbasag ng FEU sa press ng UE, ininda rin ng Warriors ang mahinang 21 puntos na pinagsaluhan ng mga inaasahang sina Roi Sumang, Charles Mammie at Moustapha Arafat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending