Wala nang balak makipagbati si Ai Ai kay Kris | Bandera

Wala nang balak makipagbati si Ai Ai kay Kris

Jobert Sucaldito - July 28, 2014 - 03:00 AM


Ngayon ang SONA ni P-Noy, ang pangulong kapatid ng kinabubuwisitang ex-friend ni kafatid na Ai Ai delas Alas na si Kris Aquino kaya marami ang nagbibiro sa kaniya kung siya ba ay magsusuot ng yellow sa araw na ito.

Nu’ng unang biniro si Ai Ai about this ay deadma siya – parang walang narinig pero nang ulit-ulitin namin ito during our chikahan after ng presscon ng “Ronda”, ngiti lang ang iginanti ni Ai Ai sa aming tanong.

Yung ngiti na napunta sa malakas na halakhak. In short, hindi magye-yellow si Ai Ai sa araw na ito – baka in mourning pa nga kami ang dating ng isusuot niya – baka black.

Or puwede ring fuchsia or peach, yung pangkalaban siyempre. Nararamdaman namin kay Ai Ai na wala na siyang ni-katiting na amor kay Kris Aquino. Parang kami lang ang peg, di ba?

Kasi nga, hindi marunong mag-alaga ng kaibigan si Kris – pag wala na siyang pakinabang sa iyo, basura ka na. Pag sikat ka, best friend ka niya. Ganoon lang ang laban sa isang Kris Aquino.

I’d rather wear my natural skin today – puwede bang naka-nude na lang para wala silang masabi? Ha-hahaha! Basta ang grupo namin, including Ai Ai of course, walang planong magsuot ng yellow. Never. Never again. Period. Walang comma!

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending