Plunder, graft vs Binay, anak
INIREKLAMO ng plunder at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act si Vice President Jejomar Binay, kanyang anak na si Makati Mayor Junjun Binay, at iba pang opisyal ng syudad, kaugnay ng umano’y overpriced na P1.5 bilyong parking building na
ipinagawa nito.
Hiniling din ng mga complainant na sina Atty. Renato Bondal at Nicholas Enciso ng Save Makati Movement sa Office of the Ombudsman na patawan ng preventive suspension order ang mag-amang Binay upang hindi nila magamit ang kanilang posis-yon upang maimpluwensyahan ang kaso.
Gumastos umano ang Makati City government ng P1.560 bilyon para sa itinayong New Makati City Parking Building na nasa F. Zobel st., Brgy. Poblacion noong 2007 hanggang 2013.
Alkalde pa ang nakatatandang Binay nang simulan ang proyekto kaya nakasama siya sa kaso. Siya umano ang nag-apruba ng unang P400 milyon para sa proyekto.
Ayon sa reklamo, dapat ay nagkakahalaga lamang ng P7,691 kada metro kuwadrado ang gastos sa proyekto o kabuuang P245.558 milyon.
Konektado sa 2016
Tahasan namang si-nabi ng alkalde na konektado sa 2016 presidential elections ang inihaing plunder laban sa kanya at sa ama.
“Vice President Binay and myself will remain focused on our work,” sabi ni Mayor Binay sa isang tweet.
Sumang-ayon naman si Binay sa naging komento ng anak matapos i-retweet ang pahayag ng mayor.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.