Kathryn, Daniel pinakilig, pinaiyak ang madlang pipol | Bandera

Kathryn, Daniel pinakilig, pinaiyak ang madlang pipol

Ervin Santiago |July 21,2014
facebook
share this

Kathryn, Daniel pinakilig, pinaiyak ang madlang pipol

Ervin Santiago - July 21, 2014 - 03:00 AM


Umabot na raw sa P80 million ang kinita sa takilya ng “She’s Dating The Gangster” nina  Daniel Padilla at Kathryn Bernardo under Star Cinema.

Pumalo nang husto ang pelikula ng Teen King & Queen nitong weekend, at in fairness, saksi kami sa mahahabang pila sa SM Megamall nu’ng Sabado nang manood kami kasama ang ilang kaibigan.

Kaloka nga, feeling ko premiere night ang pinuntahan namin dahil sigawan nang sigawan ang fans sa loob ng sinehan, lalo na sa mga kilig scenes nina Daniel at Kathryn.

Totoo nga ang kuwento ng ilang KathNiel sa amin, talagang kikiligin at iiyak ka sa pelikula. At totoo rin na aktor na aktor na si Daniel sa movie, gustung-gusto namin ang mga eksena nila ni Richard Gomez na gumaganap na tatay niya.

Given na ang galing sa drama ni Kathryn pero tuwang-tuwa kami sa mga light moments nila ni Daniel. Tama nga ang sabi ng mga nakapanood na sa pelikula, may kapalit na si Sarah Geronimo bilang reyna ng romcom movies sa Pilipinas.

Sa Twitter account ng Star Cinema ad and promo director na si Roxy Liquigan, ipinost niya nitong July 19 ang mensaheng, “Hello P80million, is that you?:):):) #ICANTBREATH.”

Ang nasabing hashtag ay ang isa sa mga kinakiligang linya ni Daniel sa movie. Sinundan pa niya ito ng,”Hello P80million, is that you?:):):) #ICANTBREATH. Let’s go for P100m tomorrow!!! #ICANTBREATH #KDNumberONE. Let’s go for P100m tomorrow!!! #ICANTBREATH #KDNumberONE”.

( Photo credit to katniel official fanapage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending