Maegan Aguilar nagmamakaawang bigyan siya ng trabaho | Bandera

Maegan Aguilar nagmamakaawang bigyan siya ng trabaho

Cristy Fermin - July 19, 2014 - 03:00 AM


Napagod na rin sa kangangawa si Maegan Aguilar. Sa wakas ay nahalata rin ng alibughang anak ni Ka Freddie Aguilar na kahit anong paninira ang gawin niya sa kanyang madrasta ay hindi ito sumasagot.

Parang talbos lang ng kamote sa tabing ilog si Maegan, walang dating sa kasalukuyang misis ng kanyang ama, kaya napagod din siya at tumigil na sa kasasalita.

Pagkatapos ng ginawa niyang pang-aalipusta sa kanyang ama at panglalait sa kanyang madrasta ay ano ang naiwanan kay Maegan? Wala. Ang kanyang kanegahan.

Masuwerte siya dahil sa kabila ng lahat ay hindi tinapatan ni Ka Freddie ang kanyang bibig, inunawa pa rin siya ng kanyang ama, pero siyempre’y napakasakit para sa singer ang lahat ng mga salitang ipinakain sa kanya ni Maegan.

Isang patunay lang ‘yun na ang ama ay ama, ang magulang ay magulang, na kahit pa gaano katitindi ang mga salitang ibinato ng anak sa magulang ay hindi pa rin nito matitiis ang kanyang anak.

Nananawagan si Maegan Aguilar na sana raw ay magkaroon siya ng trabaho, sana raw ay kumita siya para mabuhay ang kanyang mga anak, pero kung ngayon lang ang pagbabasihan ay mahihirapan siyang magkatrabaho.

Negang-nega ang kanyang dating, hindi madaling makakalimutan ng publiko ang ginawa niyang panglalait sa kanyang ama, mas gustong makita ng ating mga kababayan na dumadaan siya sa hirap ngayon para mapag-isip-isip niya ang ginagawa niyang pangmamaltrato sa kanyang ama. Ganu’n lang kasimple.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending