Mastermind sa pambabastos kay Ai Ai buking, biglang naduwag | Bandera

Mastermind sa pambabastos kay Ai Ai buking, biglang naduwag

Cristy Fermin - July 18, 2014 - 03:00 AM

SI AI AI DELAS ALAS KASAMA ANG MGA ANAK NA SINA NICO SOPHIA AT SANCHO

Ayon sa kampo ni Ai Ai delas Alas ay biglang nanahimik ang mga bashers na dati’y ginagawa siyang agahan, tanghalian, meryenda at hapunan. Hanggang midnight snack ay siya pa rin ang kinakalampag ng mga ito.

Pero nang ibuking ng mga tagasuporta ni Ai Ai kung saan ‘yun nanggagaling at kung sino ang taong nasa likod ng mga pamba-bash kay Ai Ai ay biglang pumreno ang mga ito.

Paano nga, natunton ng mga ito kung sino ang nagpapasimuno sa pag-upak sa Comedy Concert Queen, nakasama nitong nag-dinner ang isang walang sawang bumabanat din sa komedyana.

Para silang mga pako na nakatago nga ang katawan, pero litaw naman ang kanilang mga ulo, buking na buking ng mga tagapagtanggol ni Ai Ai delas Alas ang kanilang pekeng atake.

Sabi pa ng isang nakausap naming nagmamalasakit sa komedyana, “Buking na kung sino ang nagmamaniobra sa mga upak kay Ai Ai, ano ba naman sila, walang ingat! Talagang meron pa silang schedule sa pagbira, kaya ang maipapayo lang namin sa kanila, e, rest-rest din naman kapag may time,” kuwento ng aming kausap.

Hindi raw nagkokomento ang mahiwagang tao sa likod ng mga pang-uupak sa komedyana, pero ang kanyang mga alipores naman ang sige-sige sa pamba-bash kay Ai Ai, kaya buking na naman ang kanilang mga drama.

Kung may mga nagkakasundong birahin ngayon ang Comedy Concert Queen ay hindi naman nagpapabaya ang kanyang mga tagasuporta, sumagot na rin ang kanyang anak na si Sophia, hindi makapapayag ang mga anak ni Ai Ai na basta na lang siraan ang kanilang ina nang walang kalaban-laban.

“Tama naman si Sophia, ni hindi kilala ng mga bashers na ‘yun ang mommy niya, kaya ano’ng karapatan nilang wasakin si Ai Ai? Kawawa rin ang mga taong ‘yun, sa isang senyas lang ng taong nasa likod nila, hindi na sila makapalag,” komento pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending