PBB housemate umamin na: Bisexual po ako! | Bandera

PBB housemate umamin na: Bisexual po ako!

Ervin Santiago - July 18, 2014 - 03:00 AM

ANG KAMBAL NA HOUSEMATES NA SINA FIFTH AT FOURTH

NAG-TRENDING worldwide sa mga social networking sites ang pag-amin ng isa sa mga male housemates sa PBB All In na isa siyang bading.

“Hindi ako straight. Bisexual ako!” Ito ang matapang na pag-amin ng 22-year-old na si Fifth Pagotan, kapatid ng Kapuso comedienne na si Chariz Solomon, sa isang kasamahan niya sa Bahay ni Kuya na si Manolo Pedrosa. Kasabay nito, humarap din siya kay Kuya para sa kanyang big revelation.

Bago pa ang aminan, halatang na-bother si Fifth nang i-announce ng isa sa mga host ng reality show na si Robi Domingo na may viewer na nag-comment tungkol sa kuwestiyonableng sexuality ng isa sa mga male housemates.

“Ayan na naman si _____, parang bakla kung magreklamo kaya siguro ‘di sila magkasundo ni _____,” ayon sa nag-comment.

Nang marinig ito ni Fifth, feeling daw niya, para sa kanya iyon.

Ayon pa kay Fifth, noon pa siya nakakatanggap ng mga comment na kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki, lalo na noong bata pa siya.

“Nakakaapekto pa rin. Ayokong aminin na hindi. Masakit siya, pero minsan, titiisin mo na lang. I don’t need to explain myself to them. Lagi ko na lang bang ipapaliwanag sarili ko? Hindi, kasi kilala ko ang sarili ko.

“As long na totoo ako sa sarili ko, at totoo ako sa pinapakita ko sa mga tao sa paligid ko, masaya na ako doon. I don’t need to explain myself to them,” paliwanag ng utol ni Chariz.

Sa nasabing episode, naging emosyonal din ang kakambal ni Fifth na si Fourth na isa rin sa mga housemates, nang tanungin siya ni Big Brother kung tanggap ba niya ang pagiging bisexual ng kanyang kapatid. Dahil dito, agad na nag-trending ang official hashtag ng PBB All In that night. ang “#PBBAcceptOrDeny”.

Samantala, sa social media rin idinaan ni Charice Solomon ang suporta sa kanyang kapatid na si Fifth. Sa kanyang Instagram account, nag-post pa ang komedyana ng litrato ng kambal niyang kapatid, at sinabing all-out pa rin ang support nila rito.

“Ah basta kami nila jiro, KC, mama, seira, daddy, apollo, nestor zel and ng family love na love na love namin kayo 🙂 at mas masaya ang bahay natin kesa sa bahay nila 🙂 sa bahay natin walang manghuhusga sa inyo! Mahal na mahal namin kayong dalawa,” ani Chariz sa kanyang IG.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, biglang umingay uli ang PBB dahil sa pag-amin ni Fifth at marami rin ang humanga sa kanyang katapangan na aminin ang tunay na kasarian sa harap ng milyun-milyong Filipino all over the world.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending