Natitirang pag-ibig | Bandera

Natitirang pag-ibig

Joseph Greenfield - July 17, 2014 - 02:50 PM

Sulat mula kay Dynah ng Barangay Poblacion, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Naguguluhan ako, Sir Greenfield.  Ibig makipagbalikan ng dati kong boyfriend,  Ako na ang nagkusang makipaghiwalay sa kanya. Nanghihinayang nga ako dahil maganda na ang itinatakbo ng aming relasyon.  Noong una ay ayaw sa akin ng mga magulang ng aking ex.
Pero, di naglaon ay tinanggap din nila ako.  Nagmula kasi ako sa mahirap professionals ang mga magulang ng ex ko.  Ang masayang pagsasama namin ay nauwi sa kalungkutan at labis na pagdududa.  Hindi ako nagselos.  Naawa lang ako sa aking sarili.  Nabasa ko ang mahalay na text ng babae sa ex ko.  Hindi ko kinompronta ang ex ko at ako’y humingi ng tulong sa amiga ko.  Sinundan ng amiga ko ang ex ko hanggang nakita niya na sinalubong ng babae ang ex ko at pumasok sila sa motel.  Meron pa naman akong natitirang pag-ibig sa ex ko.  Payuhan ninyo ako.
Umaasa,
Dynah ng Barangay Poblacion, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad.  Pero ang unang linya ay magulo at nabiyak o naputol. Posibleng hindi na kayo magkabalikan.  Kung magkakabalikan ay maghihiwalay pa rin kayo dahil na nabiyak o naputol na linya.  Habang maganda at maayos naman ang ikalawa (arrow 2.). Ibig sabihin, hindi ang unang boyfriend ang makakatuluyan mo, kundi ang ikalawa mong boyfriend na paparating pa lamang.
Cartomancy:     
Five of Hearts,  Four of Hearts, at Jack of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing ang susunod mong boyfriend ay higit na mas bata sa iyo ng apat na taon.  Makikilala mo siya sa iyong pinapasukang trabaho, kompanya o sa inyong opisina.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending