Kris niregaluhan ng honeymoon package sa Italy sina Angel at Luis: Ang mahal nu’n, ha! | Bandera

Kris niregaluhan ng honeymoon package sa Italy sina Angel at Luis: Ang mahal nu’n, ha!

Ervin Santiago - July 16, 2014 - 03:00 AM


Nangako si Kris Aquino na siya ang sasagot sa bonggang honeymoon nina Luis Manzano at Angel Locsin sakaling magdesisyon na nga ang magdyowa na magpakasal.

Sa Kris TV kahapon, sinabi ni Kris na reregaluhan niya ang dalawa ng “all expense paid honeymoon” sa Italy.  “Ayan na, ayan na on cam, ‘yun na ang regalo ko the Italy honeymoon,” sey ni Kris kay Angel na halatang na-shock sa sinabi ng TV host.

“Seryoso,” sagot naman ni Kris. Dugtong pa nito, “Siguro doon na lang sa Milan. Ang mahal sa Venice – 3,000 euro a night yung hotel. So huwag doon. Mag-Milan ka na lang o Florence. Florence na lang maganda ang shopping.”

“Yung four nights na hotel (sagot ko), the rest of the nights kayo na, ‘yung airfare mahal na ‘yon. Super mahal ang Venice, kayo na doon. One night kayo doon masabi lang na nag-Venice,” seryosong chika pa ni Kris.

Napag-usapan nila ang kasalan at honeymoon nang sabihin ni Angel na hindi pa siya nakakapunta sa Italy, kaya hinikayat ni Kris na habang bata pa siya ay malibot na niya ang Europe hanggang sa mag-offer na nga siya ng libreng honeymoon trip para sa aktres at kay Luis.

Samantala, tungkol pa rin sa umiinit na isyu ng DAP, tumangging magbigay ng kanyang komento ang mommy ni Bimby sa speech ni Pangulong Noynoy nu’ng Lunes ng gabi kaugnay ng paggamit ng DAP.

“He hates that (magbigay siya ng opinion). Hate niya kasi lalaki siya. Kung sisters siguro pwede kayong magtanggol sa isa’t isa kasi iba ang relationship ng sisters,” paliwanag ng presidential sister.

Dagdag pa nito, “Pero ang mga boys ayaw nila na ‘yung sisters nila ay makikisawsaw at makikitalk-talk ng ganyan kasi nale-lessen ang masculinity nila. So tahimik ka lang.”

Hirit pa ni Tetay, kung may isang bagay siyang ayaw pakialaman, yan ay ang pamumuno ng kanyang kapatid bilang pangulo ng bansa, “Walang pakialamanan dapat. Para huwag makadagdag sa isyu.

When we are with Noy, we try our best to talk about other things para he can breathe other air.”

( Photo credit to luis manzano official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending