John Estrada: After 13 years, nagkaayos na kami ni Janice! | Bandera

John Estrada: After 13 years, nagkaayos na kami ni Janice!

Ervin Santiago - July 16, 2014 - 03:00 AM


SA wakas nagkaayos na rin ang dating mag-asawa na sina John Estrada at Janice de Belen. Ilang taon ding nagdedmahan ang dalawa matapos magkahiwalay ilang taon na ang nakararaan.

Ayon kay John, maligaya siya sa pagbabati nila ni Janice, matagal din daw niyang hinintay ang pagkakataong ito at finally nga ay naayos na ang gusto sa pagitan nila. At siyempre, maligaya rin ang kanilang mga anak sa development na ito.

Kung matatandaan, nagkahiwalay ang dalawa noong 2001 matapos mabalitang nagkaroon ng relasyon si John sa dating TV host-actress na si Vanessa del Bianco.

Na-annul naman ang kanilang kasal noong 2004 hanggang sa magpakasal na si John sa Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles noong 2011. Si Janice naman ay single pa rin until now.

Naging mainit pa ang hidwaan sa pagitan ng ex-couple nang magsalita si Janice na kulang ang financial support ni John sa kanilang apat na anak na dinenay naman ng aktor.

At sa presscon nga kamakailan ng bagong movie ni John na “Trophy Wife” kasama sina Heart Evangelista, Cristine Reyes at Derek Ramsay, kinumpirma nga ng aktor na okay na uli sila ng dating misis.

“Yeah, I’m so glad to tell you, guys, na okay na kami ni Janice. Nag-uusap na kami and our kids are so happy para sa aming dalawa. Sa tagal naming… masaya ako ngayon na, yun nga, nag-uusap na kami at wala na akong mahihiling pa.

“So, sana tuluy-tuloy na ito dahil para rin naman talaga ito sa mga anak namin,” pahayag ni John.  Sey ng mister ni Priscilla Mereilles, hindi rin niya in-expect na babatiin siya ni Janice, “Biglaan lang yun, noong gusto ngang pumasok sa showbiz ng anak naming si Inah.

Du’n kami nagsimulang mag-usap dahil alam niyang kailangan ng anak namin ang gabay namin bilang mga magulang.
“Maganda rin na nangyari ito…matagal na rin, it’s been 13 years.

Masaya na ako na lahat ay maayos na,” sabi pa ni John. Samantala, challenging para kay John ang role niya sa “Trophy Wife” at palaban pa rin ang aktor sa hubaran at love scene.

Ayaw magbigay ng detalye si John tungkol sa maiinit niyang eksena sa movie, basta panoorin na lang daw ng madlang pipol at tiyak daw na mag-eenjoy at makaka-relate tayong lahat.

Pero ayon naman kay Heart nang makachika namin sa presscon ng movie, si Cristine raw talaga ang star ng pelikula dahil all-out ang ginawang paghuhubad dito ng sisteraka ni Ara Mina.

Kaya sure na sure kami na susugod na naman ang mga manyak sa sinehan para lang makita ang maalindog na katawan ni Cristine.  Showing na ang “Trophy Wife” sa July 30, sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( banderablogs file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending