Kasal nina Kris at James wala nang bisa | Bandera

Kasal nina Kris at James wala nang bisa

- February 04, 2012 - 03:10 PM

MATAGAL nang alam ni Kris Aquino ang resulta ng annulment nila ni James Yap pero hindi niya ito ipinagsabi dahil ayaw niyang pangunahan ang korte.

Pero sa Bandila nu’ng Huwebes ng gabi ay kinumpirma na ito ni Boy Abunda, opisyal na ngang hiwalay sina Kris at James pagkalipas ng limang taong pagsasama.

Ang ibinigay na dahilan ni Boy kaya napawalang bisa ang kasal ay, “lack of authority of the solemnizing officer.”

Matatandaang ikinasal sina James at Kris nu’ng Hulyo 10, 2005 sa bahay ni Boy na tumayo ring isa sa witnesses at nag-file naman ang TV host-actress ng nullity of marriage nu’ng Aug. 9, 2010.

Paliwang pa ng kaibigan ni Kris, “‘Yung pinag-uusapang separation of properties, ito ay naganap one year before today.

Nagkaroon na sila ng agreement kung paano hahatiin ang properties approved by the court.”

Dalawang araw bago ginanap ang story conference ng bagong serye nina Kris, Anne Curtis at Robin Padilla sa ABS, ang Kailangan Ko’y Ikaw ay natanong na namin si Kris tungkol sa resulta ng annulment at kung ia-announce ba niya ito pero sinagot kami ng, “I won’t announce it, you will til Friday.”

Kaya naman kahit na anong tanong kanya tungkol dito ay puro ngiti lang ang sagot sa amin.

Samantala, ang pagpunta sa Hongkong kahapon (Biyernes) ang ikinuwento ni Kris para ipasyal ang mga anak ngayong weekend at sa susunod na linggo naman ay nakatakda silang magtungo sa Japan para i-celebrate ang kanyang 41st birthday sa Peb. 14.

Pagbalik nila sa Pilipinas ay tuloy na si Kris sa taping ng Kailangan Ko’y Ikaw.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending