Boy ayaw nang makialam sa away nina Ai Ai at Kris | Bandera

Boy ayaw nang makialam sa away nina Ai Ai at Kris

Julie Bonifacio - July 10, 2014 - 03:00 AM


Nagkibit-balikat lang ang King of Talk na si Boy Abunda sa gusot ng dalawang babae sa showbiz  na pinakamalapit sa kanyang puso, sina Ai Ai delas Alas at Kris Aquino.

Kahit hindi na namin tanungin si Kuya Boy kung ano ang take niya sa nangyayaring intrigahan between Kris and Ai Ai, knows na namin ang isasagot niya.

Hindi siya magti-take ng side at hindi magsasalita dahil at the end of the day,  kapag nagkabati ang dalawa, baka siya pa ang maiwan sa ere. Gaya rin daw ‘yan noong nagka-gap sina Gretchen Barretto at Dawn Zulueta.

For the longest time, nagmatyag lang si Kuya Boy sa dalawa pa niyang kaibigan at talents. E, kahit naman din si Kuya Boy ay may sariling set of  issues sa showbiz na dapat mas pagtuunan niya ng pansin.

Gaya na lang nitong napabalitang kumpirmasyon na tatakbo siyang senador sa 2016 election. Bunsod ito ng lumabas na account sa Facebook na “Abunda2016”.

Binanggit namin ang tungkol dito kay Kuya Boy nu’ng makausap namin siya last Sunday. Dedma lang ang TV host at sabi niya sa amin knows naman daw namin na wala siyang account sa kahit na anong social media.

Dito napag-isipan namin na may ibang tao talaga na gumawa ng “Abunda2016” account at gusto sigurong magkaroon ng move para tumakbong senador ang TV host sa susunod na halalan.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending