Ai Ai galit na galit, winawasak ng ‘sindikato’ sa internet | Bandera

Ai Ai galit na galit, winawasak ng ‘sindikato’ sa internet

Alex Brosas - July 08, 2014 - 03:00 AM


AI AI delas Alas was obviously miffed when a guy on Twitter called her “sawsawera”. Nagbigay kasi ng kanyang opinion si Ai Ai about the recent shenanigan of Kris Aquino when she posted the card that Vilma Santos sent together with a box of ensaymadas. Vilma was based on the basis of her message to Kris because it was full of grammatical errors.

The TV host had to apologize for her gaffe. Sa isang article, Ai Ai defended herself and said that hindi siya nakisawsaw sa issue nina Kris at Vilma. Natanong siya kaya sumagot lang siya.

Pero ang mas naloka kami ay nang sabihin niyang may karapatan siyang mag-react sa issue dahil artista siya. Kaloka ang kanyang logic, ha!

Ang isa pang ikinaloka namin, she was saying that some paid hacks could have been tasked to bash her on social media. Kasi, hindi raw afford ng mahihirap ang computer and android phones kaya ang feeling niya ay merong binabayarang mga tao para sirain siya sa internet.

Sabi pa niya, ang mga mayayaman ay may work at since busy sila ay wala silang panahon para manira. Ang mga hindi busy, ang mga bayaran ang sinasabi niyang naninira sa kanya.

Tinawag pa niyang mafia ang showbiz. Tinawag lang na sawsawera ay kung anu-ano na ang sinabi ni Ai Ai. Ang akala namin ay idol niya si Vilma, bakit hindi niya gayahin ang idol niya na sweet and demure pa rin nang aminin niyang tao lang siya at nagkakamali?

Why is Ai Ai fuming so mad when someone called her sawsawera kung hindi naman totoo?

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending