Kasalang Heart-Chiz di matutuloy dahil sa problema sa magulang | Bandera

Kasalang Heart-Chiz di matutuloy dahil sa problema sa magulang

Ervin Santiago - July 07, 2014 - 03:00 AM

UMAASA pa rin si Heart Evangelista na magkakaayos sila ng kanyang mga magulang bago sila magpakasal ni Sen. Chiz Escudero. Inamin ng Kapuso actress na isa ito sa mga lagi niyang ipinagdarasal.

Ayon kay Heart, walang katotohanan ang lumabas na balita na nabwisit at na-disappoint siya nang hindi mag-propose sa kanya si Chiz nang magbakasyon sila nang ilang araw sa Europe.

Umasa raw kasi ang aktres na doon na magaganap ang marriage proposal ng senador. Sey ni Heart, hindi siya yung tipo ng babaeng “assuming” sa mga bagay-bagay.

Totoong napag-uusapan na talaga nila ang kasal, pero aniya, marami pa silang kailangang ayusin ni Chiz bago sila lumagay sa tahimik.

Medyo sensitibo raw kasi ang bagay na ito sa kanilang relasyon kaya dapat daw muna nila itong pagtuunan ng panahon.“There’s this thing that we have to consider regarding how we approach the parents’ side, all these things.

It’s something that we have to plan. So we talk about it a lot,” sabi ni Heart sa isang interview. Obviously, Heart is referring to her parents na hanggang ngayon ay masama pa rin daw ang loob sa kanya, lalo na ang kanyang ina.

Gagawin daw ni Heart ang lahat para ma-resolve ang kanilang differences, mas gusto pa rin kasi ng aktres na makuha ang blessing ng mga magulang bago magpakasal kay Chiz.

Sana raw ay maging open ang mga ito sa pakikipag-usap sa kanila ni Chiz para maayos na kung anuman ang dapat ayusin. Pero kung hindi talaga siya pagbibigyan ng mga ito, wala na silang magagawa.

Hindi rin naman daw pwedeng matigil ang kanilang buhay ni Chiz nang dahil sa galit ng kanyang parents.

( Photo credit to heart evangelista official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending