Sigurado akong pinagtatawanan na sila ni Daboy ngayon! – Lorna | Bandera

Sigurado akong pinagtatawanan na sila ni Daboy ngayon! – Lorna

Ervin Santiago - July 05, 2014 - 03:00 AM


“Siguradong pinagtatawanan sila ni Daboy!” Ito ang tiniyak ni Grandslam Queen Lorna Tolentino nang tanungin ng ilang miyembro ng entertainment media kung ano sa tingin niya ang sasabihin ng kanyang yumaong asawang si Rudy Fernandez sa pagkakulong ng mga kaibigan nilang sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

“Pinag-uusapan nga namin nu’ng dumalaw kami sa kanila. Sabi ko, sigurado yun, dahil away kayo nang away, sasabihin ni Rudy, ‘Ngayon, hindi na kayo (Jinggoy at Bong) puwedeng maghiwalay. Joint venture na kayong dalawa diyan!’

“Dati kasi, siya (Daboy) talaga yung peacemaker nu’ng dalawa, e. Ngayon, wala na, hindi mo na sila mapapaghiwalay. Kung si Daboy yun, matatawa talaga siya nang husto. ‘Ayan, tingnan n’yo ang nangyari.

Para hindi na kayo magkahiwalay pa at hindi kayo mag-away, ‘ayan, pinagsama na kayo!’” sey  ni Lorna sa solo presscon na ibinigay sa kanya ng GMA para sa latest serye niyang My Destiny.

Pero sey ni LT, sigurado siyang 100 percent din ang ibibigay na suporta ni Daboy sa mga nakakulong nilang mga kaibigan, tulad ng ginagawa ngayon ng isa pang katropa nilang si Phillip Salvador.

Tinanong naman namin si LT kung meron na bang bagong lalaking nagpapaligaya sa kanya dahil matagal-tagal na rin siyang biyuda, “Hindi ko na naiisip ‘yan, kasi sa akin, ang priority ko ngayon, mga anak ko. Ine-enjoy ko yung mga panahong magkakasama kaming mag-travel. Ganu’n na lang.”

May mga nanliligaw ba sa kanya? “Noong una, may mga nangungulit pero ngayon, huwag na, okay na. Tama na. Ha-hahaha! Masaya na naman ako na kami-kami lang ng mga anak ko.

Kahit sa kanila rin kasi, mas okay sila sa ganito. Kasi mga lalaki rin, siyempre, ang gusto nila yung tatay pa rin nila.”
Samantala, inamin ni LT na noong in-offer sa kanya ang TeleBabad series ng GMA na May Destiny ay medyo hindi ganu’n kabongga ang role niya kaya nagdalawang-isip daw siyang tanggapin ito.

Pero nangako ang production na mag-a-adust sila sa script para makasama siya nina Carla Abellana, Tom Rodriguez at Rhian Ramos sa programa dahil naniniwala ang GMA na swak na swak kay LT ang role bilang mapagmahal at matapang na nanay.

Medyo light drama ang tema ng My Destiny pero mapuso ang kuwento.”Kaya nagpapasalamat ako sa GMA na mas pinaganda pa nila yung role, at sigurado ako na maraming makaka-relate sa karakter ko bilang isang nanay na gagawin ang lahat para mabigyan ng sapat na atensiyon ang anak niyang may malalang karamdaman, (na ginagampanan ni Rhian Ramos),” kuwento ni LT.

Speaking of My Destiny, gabi-gabi na itong nagte-trending sa social media simula nang umere noong Lunes. Bukod sa husay ng direktor na si Joyce Bernal, hindi rin pinalampas ng netizens ang drama at kilig na hatid ng My Destiny.

Narito ang ilan sa comments sa Instagram, Twitter at Facebook. “The cream of the crop..2 of the most beautiful and well-educated artists of GMA. No one is at par at Carla Abellana.

She is beautiful inside and out, very smart and talented.” “Nakakakilig silang dalawa @carlaangeline @akosimangtomas.. :))) Can’t wait to watch it tonight.”

“Kakilig! I’m not a fan of teleserye but I got hooked on this one #mydestiny #FirstKissFromMyDestiny^_^!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending