Megan Young na-shock sa ‘Sex Scandal’ nina Lauren at Richard | Bandera

Megan Young na-shock sa ‘Sex Scandal’ nina Lauren at Richard

Ervin Santiago - July 03, 2014 - 03:00 AM


NA-SHOCK si 2013 Miss World Megan Young sa pagka-daring ng kanyang sister na si Lauren Young sa launching movie nitong “Overtime” opposite Richard Gutierrez.

Sinuportahan ni Megan ang kapatid sa ginanap na premiere night ng pelikula kamakailan sa The Podium theater at dito nga niya napanood ang mga makapigil-hiningang eksena ng Kapuso actress at ni Richard.

Sey ni Megan nang makachikahan ng press after the premiere night, hindi niya akalain na kayang gawin ni Lauren ang mga ganu’ng ka-daring na eksena, lalo na ang kissing scene nila ni Richard.

“Dark comedy siya. Sobrang hindi ko in-expect. As usual, dahil baby sister ko si Lauren, hindi ko kinaya ang isang eksena du’n.
“Yung love scene, hindi ko kinaya.

Medyo na-shock ako. Ako, never pa ako gumawa ng ganun ka-daring,” ang pahayag ng kauna-unahang Miss World ng Pilipinas. Pero dahil dito, bumilib nang bonggang-bongga si Megan sa kapatid, lalo na ang ipinakita nitong akting sa movie.

“It was done very tastefully (love scene at kissing scene). Pero siyempre, kapatid ko pa rin ‘yan. Hindi ko in-expect na may kissing scene pala na gano’n. Nakapikit ako the whole time! Ha-hahaha!” chika pa ng dalaga.

Sa tanong kung keri rin ba ni Megan na gawin ang mga eksena nina Lauren at Richard sa “Overtime” sa susunod niyang project, “Hindi ko po alam. Hindi ko masabi.”

Ilang araw lang mananatili sa bansa si Megan dahil meron pa siyang commitments sa ibang bansa para sa kanyang Miss World duties. Pero ano ang plano niya kapag natapos na ang kanyang Miss World duties? Babalik na ba siya sa showbiz?

“I have things in mind. Pero siyempre nasa management pa rin yung decision. Pag-uusapan pa namin. Ipaplano pa namin.  We wanna take things carefully and step by step rather than rushing into things,” tugon ng dalaga.

“I miss showbiz. Siyempre dun ako lumaki since bata ako. Pero, we’ll see. I love what I do. So, patuloy ko pa rin itong gagawin,” dugtong pa niya.

How about manliligaw sa mga bansang pinuntahan niya? “Wala. I don’t entertain stuff like that for the meanwhile. Kasi palaging nagta-travel.”

Speaking of “Overtime”, in fairness, naaliw naman kami sa pelikula. Tulad nga ng mga narinig naming komento ng mga nakapanood na ng pelikula, first time gumanap ni Richard ng “bad boy” kaya isang refreshing project ito para sa boyfriend ni Sarah Lahbati.

Pero kahit medyo kontrabida ang role ni Richard, may pinanggagalingan naman ang kuwento, kaya siguro tinanggap din ng aktor ang pelikula ay dahil sa challenge na ibibigay nito sa kanya.

Nakilala kasi natin si Richard bilang matinee idol/leading man ng GMA kaya tiyak na maninibago ang kanyang fans pag napanood na siya sa “Overtime”.

Hindi na rin kami nagulat sa performance ng leading lady niyang si Lauren. Nu’ng nasa ABS-CBN pa ang dalaga ay lutang na rin ang galing niya sa pag-arte at muli nga niyang pinatunayan sa pelikulang ito na pwede na siyang tawaging “aktres” sa tunay na kahuluhan nito.

Sa kabuuan ng pelikula na idinirek ng komedyanteng si Earl Ignacio at ni Wincy Ong mula sa GMA Films, mas lumamang ang komedya kesa sa aksiyon at drama.

Kaya tiyak na magugustuhan ito ng mga manonood, lalo na ‘yung mahilig sa suspense-comedy na nauuso na rin ngayon sa Hollywood.

In fairness uli, agaw-eksena rin sa movie sina Bearwin Meily at Mitch Valdes, na siyang tumulong kay Lauren Young para makaligtas mula sa kanyang kidnapper na ginagampanan nga ni Richard.

Hindi na kami masyadong magkukuwento about the movie, basta panoorin n’yo na lang. Showing na ito ngayon sa mga sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending