Maagang kampanya ni P-Noynoy | Bandera

Maagang kampanya ni P-Noynoy

Ramon Tulfo - July 01, 2014 - 03:00 AM

MAAGANG ikinampanya ni Pangulong Noynoy ang kanyang secretary of interior na si Mar Roxas para sa 2016 presidential elections.

Ang pangampanya ay naganap sa Iloilo City kung saan dumalaw sa lungsod upang pasinayaan ang daan na ipinangalan sa kanyang martir na ama na si Sen. Ninoy Aquino.

Kailangan daw ipagpatuloy ng mamamayan ang nasimulang kampanya laban sa korapsyon sa pamamagitan ng pagboto kay Roxas bilang kanyang kapalit, ani Pangulong Noynoy.

Sus, Mr. Noynoy, sayang lang ang laway mo dahil hindi iboboto ng mamamayan si Roxas bilang Pangulo.

Mahina ang iyong manok.

Paano mo maaasahang manalo yang si Roxas samantalang tinalo siya ni Jojo Binay sa pagka-bise presidente?

Mas lalong humina si Roxas sa mga tao dahil sa ipinamalas niyang kahinaan bilang secretary of interior.

Hindi nga niya kayang utusan ang Philippine National Police (PNP) na pababain ang kriminalidad, paano siya paniniwalaan ng taumbayan na magiging magaling siyang pangulo?

Ang PNP ay nasa pamamahala ni Roxas bilang interior secretary at concurrent chairman ng National Police Commission (Napolcom).

Ang mga Waray-Waray ay walang bilib kay Mar Roxas dahil nakita nila ang kahinaan niya sa gitna ng krisis na dulot ng Supertyphoon “Yolanda.”
Nandoon si Roxas nang dumating ang pinakamalakas na bagyo na dumalaw sa mundo pero wala raw siyang ginawa kundi magtago sa Leyte Park Hotel habang nakalutang ang mga patay sa kalye sa Tacloban at ibang lugar na tinamaan ng mala-higanteng bagyo.

Pagkakataon na sana ni Mar na magpakitang-gilas sa taumbayan sa pag-alis ng Yolanda, pero tulirong-tuliro siya at kitang-kita ang kanyang kapalpakan.

Di man lang naipon ni Mar Roxas ang mga pulis at militar upang pigilin ang looting sa mga tindahan sa Tacloban at sugpuin ang mga kriminalidad sa kalye gawa ng kawalan ng batas.

Paano mo maaasahan si Roxas na maging mabuting pangulo samantalang nagkulang siya sa “timbang” ng taumbayan noong krisis sa Leyte?

Pareho lang sila ni
P-Noynoy na walang ginawa kundi palaging sinisisi si dating Pangulong Gloria sa korapsyon.

Akala kaya ni Roxas ay mananalo siya dahil sa pangangampanya sa kanya ni P-Noynoy?

Nagkakamali siya dahil napagtatanto na ng taumbayan na walang kuwentang lider si P-Noynoy.

Parang bulag si Noynoy na inaakay ang bulag ding si Mar.

The blind leading the blind, ‘ika nga sa Ingles.

Kung gusto ni P-Noynoy ang isang manok na tiyak na mananalo, kunin niya si Davao City Mayor Rody Duterte.

Si Duterte lang ang makakatalo kay Jojo Binay sa pagka-Pangulo.
Malayo si Mar Roxas kay Jojo Binay sa mga surveys dahil wala naman kasing comparison sa dalawa. Sisiw si Mar kontra kay Binay.

Pero kapag lumaban si Duterte sa 2016, titiklop si Binay.

Sa leadership o liderato, di mapapantayan ni Binay si Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang tatalo kay Duterte sa pagiging malinis ang record kung pag-uusapan ay korapsyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending