P 1-M sweldo isang buwan sa gobyerno, imoral! | Bandera

P 1-M sweldo isang buwan sa gobyerno, imoral!

Jake Maderazo - June 30, 2014 - 03:00 AM

AYON sa 2013 ROSA report ng COA, ang pangulo at GM ng GSIS ay tumanggap ng salary at allowances na umabot ng P12.09M ( P1-M) bawat buwan. Bumaba pa raw ito sa dating P16.36M (P1.36M bawat buwan) na nakuha ni G. Robert G. Vergara noong 2012. Limang doble ang taas nito sa sweldo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Ombudsman Conchita Carpio Morales at maging kay Executive Sec. Paquito Ochoa.

At kung ganito ang sweldo ni Vergara pati iba pa niyang board of directors sa GSIS, may matira pa kaya sa pondo para sa “retirement depository” ng maliliit na empleyado ng gobyerno? Ayon pa sa report, ang GSIS ay merong pitong senior vice presidents at 21 vice presidents na daan-daang libong piso rin ang buwanang sahod.

Sa Pag-ibig o Home Development Mutual Fund, ang President/CEO nitong si Darlene Marie Berberabe ay may sweldong P9.39M o P782k bawat buwan. Isama mo rin ang sweldo ng mga iba pang Pagibig officers, tulad ng limang Senior Vice Presidents at lima ring Deputy CEOs na daan daang libong piso rin bawat buwan na sweldo, may matira pa kayang pondong pambahay ang mga Pag-ibig members?

Itong GM ng maliit na Angeles City Water District na si Reynaldo Liwanag, sumuweldo naman ng P8.8M o P733k bawat buwan. Isama mo na rin ang sweldo ng iba pang board of directors, matitiyak mo na hindi bababa ang presyo ng tubig sa Angeles city, Pampanga.

Si Gilda Pico, Land Bank president/CEO ay P10.29 M o kumukubra ng P857k bawat buwan samantalang si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Amando Tetangco Jr. ay P9.99 million o P833k bawat buwan. Noong 2012, isang Ma. Theresa Quirino, Senior EVP ng Development Bank of the Philippines ay tumanggap ng P13.7M na sweldo (P1.3M bawat buwan)

Ilan lamang ito sa mga dambuhalang sweldo sa gobyerno noong nakaraang taon at nakakahiyang ikumpara sa sweldo ni Pangulong Aquino na P120k lamang bawat buwan o kabuuang P2.4M sa buong taon. Katunayan sa anim na taong serbisyo ni PNoy hanggang 2016, halos P 8-M ang kanyang tatanggaping sweldo.
Aba , e isang taon lang iyon sa taga GOCCs!
May mas bibigat pa ba sa trabaho ng Presidente sa mga taga-GSIS, PAGIBIG, LANDBANK, ANGELES WATER district, at Central Bank?
Akala ko ba, pinahinto na ni Presidente ang ganitong nagtataasang sweldo sa mga GOCCs na ilang ulit niyang binatikos sa marami niyang SONA?
Wa epek ang laway niya dahil bahagya lang nabawasan at tuloy tuloy ang kanilang ligaya.
Sa mga cabinet members, itong si Agriculture Sec. Proceso Alcala ang may pinakamalaking sinuweldo, P4.21M (P359k bawat buwan) noong 2013 na bumaba na sa dating P6.04M ( P503k bawat buwan) noong 2012. Aba’y triple pa rin ito ng sweldo ng Pangulo? Mas mabigat ba ang trabaho ni Alcala kaysa boss niya?
Pero, ano po ang impact nito sa mga mamamayan?
Kaya pala patuloy ang pagtaas ng premium sa GSIS, Pagibig fund, at halaga ng tubig sa Angeles City at iba pang serbisyo ng gobyerno ay dahil sa naglalakihang sweldo ng mga administrador nito.
Kumustahin mo naman ang mga maliliit na empleyado sa mga ahensyang ito, malalaki rin ba ang kanilang sweldo ?

Sa halip na pagbutihin ang serbisyo, ang inaasikaso ay kung paano kukuha sila ng mas malalaking sweldo at allowances na ang pinanggalingan naman ay buwis mula sa dugo at pawis ng sambayanan.

Kaya naman ang tanong dito ay simple, bakit pinapayagan ngayon ang mga sweldong mas mataas pa sa Presidente ng bansa? Di bale kung ang sahod ni PNoy ay P1-M bawat buwan at kahit paano’y may limitasyong masusundan. Pero iyong mas malaki pa ng sampung beses ang kita mo sa Presidente, sa Chief Justice ng Korte Suprema, Ombudsman at sa iba pang matataas na opisyal, aba e nakakahiya at imoral na iyun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending