Raymart, Claudine tigil-putakan; pinaligaya ang 2 anak | Bandera

Raymart, Claudine tigil-putakan; pinaligaya ang 2 anak

Ervin Santiago |June 30,2014
facebook
share this

Raymart, Claudine tigil-putakan; pinaligaya ang 2 anak

Ervin Santiago - June 30, 2014 - 03:00 AM

TULAD ng naisulat namin dito kahapon, natuloy nga ang muling pagkikita ng estranged couple na sina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

But this time, hindi na sa korte, kundi sa isang restaurant kung saan pansamantala uling nabuo ang kanilang pamilya. Sa Instagram photo na ipinost ni Claudine, makikita sila ni Raymart kasama ang dalawa nilang anak na sina Santino at Sabina.

Nilagyan ito ng aktres ng caption na, “Happy day!” Ito na marahil ang sinasabi ni Claudine na “reunion” ng kanilang pamilya na bahagi ng naging agreement nila sa huling hearing ng custody case nila para sa kanilang mga anak.

In fairness, kitang-kita sa mukha ng panganay nilang anak na si Sabina ang kaligayahan sa nasabing litrato. Sa panayam ng ABS-CBN kay Claudine bago ang pagkikita nila ni Raymart sa isang restaurant, sinabi niyang, “We may have failed as husband and wife but we will strive to be good parents for the sake of our children.”

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending