Heart: Wala kaming away nina Lovi at Alex! | Bandera

Heart: Wala kaming away nina Lovi at Alex!

- January 27, 2012 - 03:19 PM

Daniel mahilig makipag-flirt sa ibang babae?

Ngayon pa lang ay sinasabi na ni Heart Evangelista na huwag kayong maniniwala kung may maglalabasang chika na hindi niya kasundo ang mga kasamahan niya sa seryeng Legacy ng GMA 7, partikular na sina Lovi Poe at Alessandra de Rossi.

Ayon kay Heart, sobrang okay daw ang samahan nilang tatlo sa nasabing soap ng Kapuso network kung saan gumaganap nga silang magkakapatid namag-aagawa-agaw sa ari-arian ng kanilang ama.

“In real life talaga, walang problema sa amin. Ang saya-saya nga lagi naming sa set. Chika-chika lang kami.

At kahit super heavy na yung mga eksena namin, after ng take, magtatawanan, magkukuwentuhan, ganu’n!” say ni Heart.

“Tulad kami ni Lovi, may isang eksena kaming ginawa, mabigat siya, tapos sabi niya,

‘Gosh! Heart kailangang bigyan mo ng justice ‘to, para maka-relate rin ako.’ Parang kaming dalawa, we motivate each other para mas lalong gumanda yung scene, so walang sapawan, really.


“Si Alessandra naman, naku, super nakakatawa talaga siya.

Matatawa ka na lang sa mga punchlines niya. She’s very down to earth. So, nakakatuwa dahil nagkakasundo kaming lahat sa set, walang tension or anything!” kuwento pa ng dyowa ni Daniel Matsunaga.

Tungkol naman kay Daniel, may chikang lagi raw silang nagkakatampuhan ngayon ng binata dahil sa selos.

Totoo bang madalas makipag-flirt si Daniel sa ibang babae? “Hindi naman siya ganu’n. Definitely, he’s not the type to be flirting with anybody. Kilala ko na si Daniel, and I’m sure na he’s a good man,” paniniguro pa ng aktres.

Anyway, sinabi ni Heart na talagang every taping day nila sa Legacy ay natsa-challenge siya dahil sa mga artistang kasama niya sa programa.

Tulad ng mga eksena tonight, umaatikabong sapakan ang mangyayari kina Cesar at Lucio. Pero sa huli, mananalo si Cesar at matatangay nila ni Diana si Isabel. Maiiwan si Lucio na namumutok sa galit.

Sa mansyon ay hindi pa rin tumitigil si Eva sa paglalabas ng galit. Kung kaya pag-uwi na pag-uwi ni Cesar ay isang malakas na sampala ang ganti sa kanya ni Eva.

Manunumbat si Eva pero isasagot sa kanya ni Cesar ang paglilihim nito sa pagbubuntis noon ni Isabel.

Magkasama naman sina Natasha at Josh sa resort.

Malungkot pa rin ang babae. Papaliwanagan siya ni Josh na bakit hindi niya bigyan ng pagkakataon si Diana. Walang isasagot si Natasha. Samantala, galit na galit pa ring haharapin ni Romulado ang anak na si Cesar.

Pero hindi katulad ng dati, lalaban na si Cesar. Wala na raw siyang pakialam kung tanggalin siya sa Legacy.

Mag-uusap naman si Cesar at Natasha.

Hihingi ng tawad ang ama sa anak dahil na rin sa nagawa niya. Pero umepekto pala ang pangaral ni Josh. Papayag si Natasha na bigyan ng tsansa si Diana.

Si Eva naman ay naglalasing pa rin sa galit kay Cesar.

Samantala, magkausap si Cesar at Roel dahil na rin sa desisyon ni Cesar na umalis ng lapitan siya ni Ilyong, ang driver na tinanggal ni Natasha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero dahil na rin sa takot ni Cesar na mag-away muli sila ng anak ay hihindi siya sa driver na muling mapasok sa trabaho.

Ngayong gabi rin aaminin ni Eva kay Cesar na hindi nila tunay na anak si Natasha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending