Maria sa National Artist Award ni Ate Guy: masamang-masama ang loob ko! | Bandera

Maria sa National Artist Award ni Ate Guy: masamang-masama ang loob ko!

Ervin Santiago - June 28, 2014 - 03:00 AM


“EWAN ko sa kanila! Pero ako, masamang-masama ang loob ko! Masamang-masama talaga!” Ito ang diretsong pahayag ni Diamond Star Maricel Soriano sa hindi pagkakasali ng Superstar na si Nora Aunor sa listahan ng mga bagong hihiranging National Artists ng bansa ngayong taon.

Ayon sa leading lady ni Dingdong Dantes sa GMA Telebabad series na Ang Dalawang Mrs. Real, lahat sila ay nagtataka kung bakit ipinagdamot ng Malacañang ang nasabing award sa super deserving na Superstar.

“Maraming bagay na para sa kanya (Ate Guy) ang hindi napunta sa kanya kaya nakakasama talaga ng loob. Hindi mo alam kung ano ba ang mga dapat. Wala naman silang sinasabi kung ano ba ang dapat.

“Baka gusto nila ay ako na ang magsabi? Sabihin lang nila!” ang mataray at palabang chika ni Maria sa isang interview.
Pero nang tanungin kung meron ba siyang gustong sabihin kay Pangulong Noynoy Aquino at sa mga taong nasa likod ng pagbibigay ng nasabing parangal, “Wala na! Husto na! Nakakainis, e.

Naiinis ako talaga. Nasasaktan ako para kay Ate Guy. Anyway, kung bwisit na bwisit si Maria sa nangyari kay Ate Guy, grabe naman ang kaligayahang nararamdaman niya para sa teleserye nila ni Dingdong sa GMA, ito ngang Ang Dalawang Mrs. Real dahil maganda ang takbo nito sa ratings game.

“Kaya dapat mas paghusayan pa namin ang aming ginagawa. Lagi at lagi-lagi, ayaw ko silang mapahiya. Heto, talagang ipinagpapasalamat ko sa GMA na binigyan nila ako ng magandang oportunidad na makagawa ako ng isang makabuluhang istorya.

“Pero sana, sila naman ang mag-share sa amin kung ano’ng aral ang natutunan nila rito sa kuwentong ito. Gusto kong makarinig kung ano ang napulot nilang aral sa programa namin, ‘di ba? Para mas mapaganda at mapaghusay pa namin para matuwa sila,” sey pa ni Maricel.

Napapanood ang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real, gabi-gabi sa GMA Telebabad kung saan kasama rin sina Coney Reyes, Robert Arevalo,  Celeste Legaspi, Alessandra de Rossi, Dominic Rocco, Marc Abaya at marami pang iba, sa direksiyon ni Andoy Ranay.

( Photo credit to nora aunor official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending