Bistek binalaan: Wag na wag daw pupunta sa bahay ni Kris!
NAKU, Mayor Bistek (Herbert Bautista) – ito na ang dapat mong katakutang multo dahil sa pakikipagrelasyon mo kay Kris Aquino – ako ang kinakabahan ngayon para sa iyo.
Kasi nga, dahil sa hindi pa nakaka-move on ang babaeng ito, sa iyo ibinabaling ang pagkabwisit niya. Ipinahiya mo raw kasi siya sa publiko nu’ng magpainterbyu ka sa Bandila.
Sana raw ay puro “no comment” na lang ang isinagot ng alkalde sa mga tanong sa kanya. Ha-hahaha! Itong babaeng ito talaga – walang kasing-lukresya.
Pag siya ang nagsalita ay okay lang pero pag iba, kailangang careful na huwag siyang ma-offend. Napaka-one-sided, di ba? With the support of her president brother na nakakaloka rin ang character, mukhang may paglalagyan ka nga Bistek pag hindi ka nag-sorry sa kaniya – and she wants it personal.
“Di ba pag sinasabing personal sorry ay kailangang magkaharap sila? Hindi ba puwede by phone or by text na lang? Kasi ang mahirap diyan, pag nagharap sila, natural that she will throw her weight around dahil presidential sister siya.
Walang magiging choice si Mayor kungdi ang aluin siya – ang sang-ayunan ang lahat ng sasabihin niya dahil pag hindi, magagalit si Kris and you know naman that brat in her, di puwedeng pumalag si Bistek.
“Pag umiyak si Kris, patay siya, baka kung ano pa ang ibintang sa kaniya ng babaeng iyan. Baka sabihin niya, hina-harass siya ni Mayor. Remember nang kinasuhan niya ng attempted rape ang ex-husband niyang si James Yap?
Nakakatakot, di ba? Siyempre, dadaanin siya ni Kris sa bola-bola at pag nadala sa awa si Bistek, tiyak na magbabalikan sila, another dead move for him.
“Pag hindi naman matanggap nang buong puso ni Kris ang ‘sorry’ niya ay magsusumbong ito sa kuya niyang panot at siyempre, kakampihan nito si darling sister at pahihirapan si Mayor Bistek sa pulitika.
Pahahanapan niya ng butas iyan at ipatatrabaho sa best friend niyang si DILG Sec. Mar Roxas para mapatalsik. Kaya huwag nang puntahan ni Bistek si Kris, tawagan na lang niya over the phone o di kaya’y makipagkita siya sa resto para may mga witness.
Huwag sa bahay ni Kris dahil baka hindi na siya pauwiin. Ha-hahaha!” sabi ng isang nabubuwisit na sa kadramahang ito.
Very loud and clear.
At sa takbo ng mga pangyayari sa bansang ito, hindi malayong pahirapan nga ng mga Aquino si Bistek pag hindi tumigil sa kangangawa si Kris. Kasi nga, siya ang pinaka-love ni P-Noy.
Para ngang National Artist ang tingin niya sa sister niyang walang wawang umarte, di ba? Maarte lang pero di marunong umarte, tama? Ha-hahaha!
( bandera.ph fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.