Claudine magaling mang-urot kaya naloloka sina Marjorie at Gretchen | Bandera

Claudine magaling mang-urot kaya naloloka sina Marjorie at Gretchen

Cristy Fermin |June 27,2014
facebook
share this

Claudine magaling mang-urot kaya naloloka sina Marjorie at Gretchen

Cristy Fermin - June 27, 2014 - 03:00 AM

CLAUDINE, GRETCHEN AT MARJORIE BARRETTO

Naging judge ng Miss Manila si Gretchen Barretto. Sa malayuan at malapitang tingin ay ibang-iba talaga ang itsura ng aktres na ito, mahal ang kanyang dating, kumbaga sa kagamitan ay alam mong de-klase siya.

Nu’ng minsan ngang nakasabay siya sa biyahe ng isang kaibigan namin ay hindi nito napigilan ang kanyang sarili na lumapit nang sobrang close kay Gretchen. May gustong patunayan ang aming kaibigan.

“Wala siyang make-up, as in, walang-wala talaga. Pero napakaganda pa rin niya. Halatadong may ipinagawa siya sa face niya, pero kering-carry niya ‘yun. Ang ganda talaga ni Gretchen!” komento nito.

Kaya nga kapag nagsasagutan sila ng kanyang kapatid na si Claudine ay may mga nagsasabi na sana’y huwag na siyang pumatol pa, hindi raw kasi bagay sa kanya ang makipagbangayan, para bang may pinipiling emosyon lang ang pag-alsa ng galit ng tao.

Kahit basahan lang ang isuot ng aktres ay kaya niyang palutangin ang pagiging mahal ng kanyang itsura, ibang-iba sa maraming personalidad diyan na kuntodo make-up at gayak na, pero parang wala namang nagbago sa kanilang dating.
Medyo tahimik ang kapaligiran ngayon sa kanilang magkakapatid, ceasefire ‘ika nga, at sana nga’y magtuloy-tuloy na ang ganitong sitwasyon nila.

Nakapapagod din ang pakikipagpalitan nang maaanghang na salita, lalo na sa magkakadugo, bukod pa sa sila talaga ang napupuruhan sa mga komento ng ating mga kababayan dahil isang sinapupunan lang naman ang kanilang pinagmulan.
Sabi ng isang maka-Gretchen, “Si Claudine lang naman kasi ang mahilig sa away, siya ang provoke nang provoke sa mga kapatid niya!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending