Pamilya ni Jinggoy 2 beses lang sa 1 linggo pwedeng dumalaw sa kulungan | Bandera

Pamilya ni Jinggoy 2 beses lang sa 1 linggo pwedeng dumalaw sa kulungan

Cristy Fermin - June 25, 2014 - 03:00 AM


Aminado si Precy Ejercito, ikalawang pagkakataon na ngayon na mawawalay sa kanilang pamilya si Senador Jinggoy Estrada, pero mas malalim pala ang sakit at lungkot at hindi totoong kakayanin na nila ang lahat.

“Parang puputok ang dibdib ko. Inaayos ko na ngayon ang mga dadalhin niyang gamit kapag nag-voluntary surrender siya, ang sakit-sakit, naaawa ako sa mga anak ko,” umiiyak na sabi ni Precy sa kabilang linya ilang oras bago lumabas ang warrant of arrest laban sa kanyang mister.

Walong taon pa lang ngayon si Jill, ang kanilang bunso, ito ang batang ni hindi na halos humihiwalay sa kanyang ama kapag dumarating ang aktor-pulitiko sa kanilang bahay.

“Sobrang close sila ng daddy niya. Mahihirapan si Jinggoy dahil twice a week lang ang sinasabing puwede kaming dumalaw sa kanya. Alam ko, hindi ‘yun kakayanin ni Jinggoy.

Si Jill nga, ngayon pa lang, e, iyak na nang iyak,” dagdag na kuwento ng misis ng senador. Nakapiit ngayon sa PNP Custodial Center si Senador Jinggoy, magkatabi lang ang selda nila ni Senador Bong Revilla, hanggang sa piitan ay sanggang-dikit pa rin ang dalawa.
Muling nagpakasal sina Senador Jinggoy at Precy nu’ng nakaraang Linggo nang hapon, sorpresa ang kaganapan, ang magtiyahing Jackie Ejercito at Janella ang nagbuo sa lihim na selebrasyon sa chapel ng mga Estrada sa Polk, Greenhills.

Dalawampu’t limang taon na silang mag-asawa ngayon, relasyong matibay na matibay, relasyong may malalim na pundasyon sa kabila ng mga pagsubok na dumarating sa kanilang buhay.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending