2-1 bentahe pag-aagawan ng Rain or Shine, Alaska | Bandera

2-1 bentahe pag-aagawan ng Rain or Shine, Alaska

Barry Pascua - June 24, 2014 - 03:00 AM


 Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
8 p.m. Rain or Shine
vs Alaska Milk

IBIBIGAY ng Rain or Shine at Alaska Milk ang lahat ng kanilang makakaya para masungkit ang 2-1 bentahe sa kanilang pagtutuos sa Game Three ng PLDT Home Telpad PBA Governors’ Cup best-of-five semifinal round mamayang alas-8  ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Hindi ininda ng Elasto Painters ang pagkawala ni Gabe Norwood at dinaig nila ang Aces, 99-87, sa Game Two noong Linggo. Nagwagi ang Alaska Milk sa Game One, 97-93.

Mabuway ang naging umpisa ng Rain or Shine sa Game Two at nakalamang ang Alaska Milk, 21-17, matapos ang first quarter. Subalit nang makuha ng Elasto Painters ang kanilang bearing ay hindi na sila napigilan.

Sa matinding performances nina Arizona Reid, Paul Lee at Jeff Chan, ang Rain or Shine ay umabante, 50-38, sa halftime bago nagposte ng 26 puntos na kalamangan, 71-45, 6:11 ang nalalabi sa third period.

“Everybody just stepped up for Gabe. We’re buying some time to make him well,” ani Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.
Si Norwood ay nagtamo ng Grade Two sprain sa kanyang kanang paa sa dulo ng Game One.

Ayon sa team therapists ay baka 10 hanggang 14 araw ang kailanganin bago gumaling ang injury. Subalit umaasa si Guiao na makakabalik kaagad si Norwood.

Ang Rain or Shine ay pinamunuan ni Reid na nagtala ng 27 puntos. Gumawa ng 21 si Lee, 18 si Chan at nagdagdag ng 10 si Chris Tiu. “Everybody made their contributions.

We just wanted it more than them (Alaska). Hopefully, we can keep that desire,” dagdag ni Guiao. Tumindi rin ang depensa ng Elasto Painters partikular na nina Jireh Ibanez at Beau Belga kay Alaska Milk import Henry Walker.

Napikon pa nga si Walker at natawagan ng flagrant foul penalty one sa umpisa ng third quarter matapos na sugurin sa likuran si Belga. “I felt that the referees were lenient on Walker because that should have been an ejection foul instead.

That wasn’t part of play,” ani Guiao. Ayon kay Alaska Milk coach Alex Compton ay kailangang hindi indahin ng Aces ang pisikalidad dahil bahagi iyon ng laro. “We just have to find a way to get back at Rain or Shine and get the initiative back,” sabi ni Compton.

Isang rebelasyon para sa Alaska Milk si Vic Manuel na siyang namuno sa Aces nang gumawa siya ng 22 puntos. Nagtala rin siya ng 14 puntos sa Game One.

Ang ibang inaasahan ni Compton ay sina Joachim Thoss, Calvin Abueva, Gabby Espinas, Cyrus Baguio at JVee Casio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending