Ano naman kaya ang magiging reaction ni Kris Aquino sa panibagong hula sa kanya – magiging pangulo raw siya ng Pilipinas?
Ayon sa isang manghuhula, pagkatapos daw ng termino ni Pangulong Noynoy Aquino ay may susunod pang isang personalidad na uupo sa Malacañang.
At pagkatapos daw ng termino nito, ang TV host-actress na raw ang susunod na pinakamataas na leader ng ating bansa.
Sigurado ang manghuhula na magiging presidente ng Pilipinas si Kris.
Ang nasabing manghuhula rin ang nag-predict na mabubuntis si Kris this year courtesy of Coco Martin.
Pinagtawanan lang pareho nina Tetay at Coco ang nasabing hula at sinabing imposible raw talagang mangyari ‘yun.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.