Bong dinaga, inipis sa kulungan | Bandera

Bong dinaga, inipis sa kulungan

- June 22, 2014 - 03:55 PM


MASYADONG mainit at may daga at ipis. Ganito ilarawan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kanyang detention cell sa Philippine National Police Custodial Center.

Makaraan ang kanyang unang gabi sa kulungan ay binisita siya ng kanyang asawang si Cavite Rep. Lani Mercado Sabado ng hapon.

Nagdala si Mercado ng pagkain at ice cooler para sa asawa na nagreklamo na sobrang init ng kanyang kulungan. Klinaro ni Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, spokesman ng National Police, na hanggang visitor’s lounge lamang si Mercado at hindi pinapasok sa kulungan.

Noong Biyernes, sinabi ng PNP na papayagan lamang na makadalaw ang pamilya at kaibigan ni Revilla tuwing Huwebes at Linggo mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Subalit sinabi ni Sindac na pinag-aaralan pa ang papayagang visiting hours para sa nakadetining senador. Ang maaari lamang dumalaw kay Revilla araw-araw ay ang kanyang doktor, abogado at spiritual adviser.

Samantala, sinabi ng kanyang abogado na si Salvador Panelo, na bumisita bilang family friend ng pamilya Revilla, na sinabi sa kanya ng senador na may mga ipis at daga sa kanyang kulungan.

Matatandaang sumuko sa Sandiganbayan si Revilla Biyernes ng umaga kaugnay ng kasong graft at plunder na may kinalaman sa P10-billion “pork” barrel scam.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending