Cesar: Ayokong pagsamantalahan si Sam! | Bandera

Cesar: Ayokong pagsamantalahan si Sam!

- January 25, 2012 - 02:34 PM

AMINADO ang amigo naming si Buboy a.k.a. Cesar Montano na mahirap pagsabayin ang pagiging direktor, aktor, writer at producer ng pelikula.

Ito ang mga ginawa niya sa bagong action movie na “Hitman” kung saan na-inspire siya bilang writer nang maramdaman niyang may “craving for action movies” ang mga filmgoers ngayon.

Bukod kasi sa sunod-sunod na pagpapalabas ng mga action films mula sa Hollywood na tumatabo sa takilya, naengganyo din si Cesar at ang Viva Films na i-release ang movie as action salvo for 2012 dahil sa naging pagtanggap  ng mga Pinoy sa “Asiong Salonga” nitong nakaraang MMFF.

“Pinanood ko ang pelikula at tama lahat ang naisulat tungkol sa kagandahan nito,” pag-amin ni Cesar bilang isang producer.

Kaya naman daw sinisipagan nila ang pag-promote sa “Hitman” dahil bukod sa type nilang matagumpay na umpisahan ang action genre sa 2012, nararamdaman daw nilang masusundan pa ito ng mas maraming projects.


Pero ang pinakakuwelang rebelasyon ni Cesar as actor-director ay tungkol sa mga maiinit na eksena nila ng leading lady na si Sam Pinto.

“Literal akong nakatulala after each take. Ganu’n siya umeepekto sa pagkatao ko,” kumpisal nito sa mga kissing at love scenes nila ng seksi at magandang aktres.

Siya nga naman ang dapat na sumigaw ng “Cut!” bilang direktor pero may mga pagkakataon daw talagang nake-carried away si Buboy bilang si Ben sa nasabing movie.

“Mahirap. Siyempre ayaw ko namang isipin ni Sam na pinagsasamantalahan ko ang pagkakataon na ulit-ulitin ang takes sa iba’t ibang anggulo for purposes of easier editing, pero kapag gaya niyang propesyonal na katrabaho na walang reklamo at kahit abutin ng hanggang madaling araw ang trabaho namin,  e, gaganahan ka naman talaga,” kuwento pa ni direk Cesar.

Ngayong Feb. 22 na ang showing ng “Hitman” kung saan ipinagmamalaki din dito si Mark Herras na first time na magkokontrabida, at ang dakilang acting coach cum assistant director nang lahat na si kuya Ipe Salvador, kasama din sina Joko Diaz at Rommel Montano, Jeffrey Tam at ang anak ni Cesar na si Diego Montano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending