Ate Guy tsinugi sa listahan ng National Artist; Palasyo may isyu raw sa Moralidad
HINDI na raw magagawaran ng National Artist award si Nora Aunor. Natanggal ang name niya sa bibigyan ng naturang parangal. Actually, we’re not surprised.
Expected na namin ‘yan because there seems to be an unseen hand working for her disqualification bilang Pambansang Alagad ng Sining.
Malamang na ‘yung morality clause ang nakapagbigay ng rason para hindi igawad sa Superstar ang parangal na deserve na deserve naman niya.
It pains us to learn na hindi awardee si Ate Guy this year bilang National Artist. She has accomplishments na hindi kailanman na-achieve ng sinumang artista.
If meron ngang morality clause, then we can ask the panel kung lahat ba ng binigyan nila ng National Artist award ay MORAL at walang bahid-dungis.
Ang chika, meron daw honors committee ang Palasyo pero ang nakapagtataka ay bukod-tanging si Ate Guy lang ang nalaglag sa listahang isinubmit ng NCCA-CCP.
Ang daming nagalit dahil sa nangyari. Nagpuyos talaga ang mga Noranians. “Kahit di ako Noranian this cant be! she deserves to br a national artist dahil sa kontribusyon nya sa sining ng pag arte.”
“Baka pinatanggal ni Kris. Halatang Vilmanian kc. Lol” “Hintayin pa ata nilang mamatay bago bigyan. Ano pa bang dapat patunayan ni La Aunor? Hindi lamang artista kungdi nag-produced din ng mga makabuluhang pelikula.
Kalowka.” “Wag sabihing morality clause na naman ang issue against Nora Aunor.” We feel na the nation is doing GREAT INJUSTICE kung hindi maibibigay kay Nora ang National Artist award.
Now, kung ayaw ninyong ibigay kay Ate Guy ang naturang award, eh, di isaksak n’yo na lang sa baga n’yo at baka mabusog pa kayo.
( Photo credit to nora aunor official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.