Michael Pangilinan hasang-hasa na ang boses sa pagko-concert | Bandera

Michael Pangilinan hasang-hasa na ang boses sa pagko-concert

Cristy Fermin - June 20, 2014 - 03:00 AM

MICHAEL PANGILINAN

Naging guest namin sa radyo nu’ng nakaraang Martes ang guwapong singer na si Michael Pangilinan. Nabawasan ang kanyang timbang na mas bumagay naman sa kanya, walang nagbago sa kanyang itsura, pero nagulat kami ni Richard Pinlac sa laki ng iginanda ng boses niya.

Tatlong piyesa ang live niyang kinanta, partida pa ang pag-atake ni Michael dahil nakaupo lang siya, pero walang kasabit-sabit niyang kinanta nang mapuso ang “Kung Sakali”, “Dance With My Father” at ang sikat na piyesa ni John Legend na “All Of Me”.

Sa tagal na rin siguro ng hindi namin panonood sa kanyang mga concert ay nahasa na nang husto si Michael, hindi lang siya basta kumakanta, mula sa puso ang rendisyon niya sa bawat piyesang ibinibigay niya sa publiko.

Maraming text messages ang tinanggap namin sa “CFM” (92.3 News FM-Aksyon TV-41) dahil sa galing ni Michael, pati ang mga regulars naming sina Bong Gacho, Bhoyzee Caragay at Randy Balaguer na maseselan ang tenga sa musika ay napabilib ng guwapong alaga ng anak-anakang Jobert Sucaldito, napakalaki naman kasi talaga ng iniangat ng talento ni Michael.

Sabi ni Bong Gacho, “Michael has full control of his voice, while his emotions are well expressed. Great guy.”

Komento naman ni Randy Balaguer, “Mapuso. Walang arte. Diretso. Tumatawid ang boses at emosyon ni Michael sa nakikinig. Palakpakan!”

At magpapakabog ba naman si Bhoyzee Caragay sa kanyang litanyang, “Hindi lang siya basta guwapo, magaling pa siyang singer, gold mine siya ni Kuya Jobert!”

Bukas na ang concert ni Michael Pangilinan sa Klownz-Quezon Avenue, ang henyong si Tito Butch Miraflor ang kanyang musical director, makakasama niya naman sa palabas sina Richard Poon, Prima Diva Billy, Boobsie Wonderland at Ka Freddie Aguilar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending