Direk Fm Reyes: Oo, nababaliw ang asawa ko...! | Bandera

Direk Fm Reyes: Oo, nababaliw ang asawa ko…!

Cristy Fermin - June 19, 2014 - 03:00 AM


MADALAS na pinagkukuwentuhan nang palihim ang sobrang pagmamahal at atensiyon na ibinibigay ni Rita Avila sa kanyang mga manyikang sina Mimay, Popoy at Pony na madalas niyang isama sa linya ng kanyang trabaho.

May mga impormanteng nagkukuwento na nilalagyan pa diumano ng diaper ni Rita ang kanyang manyika, pagkatapos daw ng take ng aktres ay agad-agad niyang pupuntahan ang kanyang mga alaga, pinagtatawanan ng mga nakakarinig ang mga ganu’ng takbo ng kuwento.

May isang personalidad pang nagkuwento na ayaw raw ng aktres na naiinitan  ang kanyang mga manyika kaya pinatutulog niya ang mga ito sa kanyang sasakyan habang umaandar ang aircon.

Maraming kumakalat na kuwento tungkol kina Mimay, Popoy at Pony. Kundi mo kilala nang personal si Rita Avila ay magkakaroon ka talaga ng konklusyon na parang kabaliwan na ang kanyang mga ginagawa.

Ayon pa sa kuwento, ang mga ginagawa raw ni Rita ay nag-uugat sa depresyon dahil sa pagkamatay ng kanilang anak ni Direk F.M. Reyes, du’n na lang daw idinadaan ni Rita Avila ang matinding kalungkutan niya sa pagkawala ng kanyang anak.

Hindi ordinaryo ang mga kuwentong naglalabasan tungkol sa sobra-sobrang pag-aalaga ng aktres sa kanyang mga manyika, hindi natin masisisi ang mga nagdududa, lalo na’t hindi na bata si Rita Avila para maengganyong maglaro ng manyika.

Matagal nang kuwento ‘yun, pero walang anumang paliwanag na ibinibigay si Rita Avila, hindi na lang siguro nito pinapansin ang mga pangungutya ng ibang tao sa paraan ng ginagawa nitong pagmamahal sa kanyang mga manyika.

Pero sa unang pagkakataon ay hindi na nakapagtimpi ang kanyang asawang si Direk F.M. Reyes, siya na ang nagdepensa sa kanyang misis, heto ang naging paliwanag-pahayag ng magaling na direktor na lumabas sa pamamagitan ng social media.

“The dolls Mimay, Popoy and Pony, were bought just right after we got married. Wala pa kaming anak nu’n at hindi pa namamatay ang anak namin, kaya malinaw na walang baliw at walang nabaliw sa kuwento.

That’s the sad part about those who fancy creating rumors. And those who listen to rumors. “It’s more sick to bite into these rumors than being crazy. It’s a pity that those who know less, they are most likely to talk more.

Kasabihan ng mga magulang natin at ng mga ninuno natin—ang kalderong walang laman, ‘yun ang matunog! “Isa pang nakalulungkot na saloobin: kung nalungkot at na-depress man kami sa pagkamatay ng anak namin, dapat bang gumawa na ng kuwentong nabaliw na agad?

Ganu’n ba dapat tingnan ng isang Kristiyanong pamayanan ang mga namamatayan ng anak o ng asawa o ng mahal sa buhay?
“Mas maganda bang ilugmok ng ganu’n ‘yung mga nawalan ng mahal sa buhay? Di ba dapat, makiramay? Di ba dapat, unawain?

O tulungan? At hindi gawing usapin o lalong ibagsak. Hindi ba dapat, tulungang bumangon at tulungang maging masaya muli at maayos muli ang buhay?

“Hindi mo hihilingin na mamatayan ka rin ng anak o ng mahal sa buhay o maiskandalo para maunawaan mo ang pinagdadaanan ng mga nawalan at naiskandalo o nagawan ng masama.

Hindi mo hihilingin na pagdaanan muna nila dahil ayaw mong maramdaman at maranasan nila ‘yung hindi maipaliwanag na sakit. “Hindi gawain ‘yun ng mabuting tao.

Kung walang tutulong na mapabangon ka sa pagkakalugmok, huwag na lang sanang maging isa sa mga yuyurak. “Mula nang mamatay ang anak namin, naging advocacy na ng asawa kong si Rita Avila ang magkalinga ng mga bata.

Mula sa mga orphanages at sa maraming anak-anakan niya sa loob ng showbiz at sa labas ng maliit naming cirkulo.
“Nagsulat siya ng mga libro tungkol sa bullying ng mga bata dahil ‘yun ang advocacy niya,

ilaan ang buhay sa pagmamahal sa mga bata. Napakagandang sukli ang balitang baliw siya o sabihan ng insane. “Oo, nababaliw siya sa pagtulong na ipakalat ang pagmamahal sa mga bata.

Mataas ang pagtingin niya sa lahat ng sakripisyo ng mga INA. Inilalaan na niya ang buhay niya sa mga bata, sa mga anak.
“Pasensiya na dahil ngayon ko lubusang puwedeng ipagtanggol siya sa lahat ng tinitiis niyang panglilibak dahil katwiran niya ay hindi naman na kailangan pang ipagkalandakan pa ang mga kabutihang ginagawa niya sa mga orphanages at sa mga bata, pati na sa ibang tao.

“Kaya nga ako na ang nagsasalita para sa kanya. For those who understand, look at your mothers, look at your children. For those who don’t, we wont even wish that you experience the same pain. You might not be able to pick up.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending