Sarah Lahbati pinagnanasahan ng mga boys | Bandera

Sarah Lahbati pinagnanasahan ng mga boys

- January 23, 2012 - 02:19 PM

Lalong titindi ang bugso ng mga damdamin at mga eksena ngayong linggo sa Kokak sa muling pagkikita-kita nina Renato, Angela at Kara.

Samantala, maaaning naman si Elizabeth dahil matutuklasan niya na ang sikretong malupit ng pinakamagandang “frog” sa balat ng lupa!

Matapos ang matagal na paghahanap ay makikita na rin ni Angela ang kanyang anak na si Kara.

Dadalhin niya ito sa mansiyon upang doon na rin manirahan. Doon ay makikilala niya si Renato na nagtatrabaho bilang driver.

Sa umpisa ay walang kaalam alam si Kara na si Renato pala ang kanyang ama hanggang sa marinig niya ang pag-uusap ng kanyang ina at si Renato kung saan malalaman niya ang buong katotohanan.

Sa pangambang baka matuklasan ng kanyang asawa ang nakaraan nila ni Renato, kakausapin ni Angela si Renato na umalis na lang sa mansiyon.

Ngunit makikiusap si Kara na huwag paalisin ang ama dahil gusto niya itong makasama.

Wala namang magagawa si Angela.

Makakatanggap si Kara ng bulaklak na may note na tila nagyayayang makipag-date.

Inakala ng dalaga na galing ito sa kanyang boyfriend na si Carl.

Naghanda si Kara para sa kanyang date. Laking gulat naman ni Carl nang malamang umalis si Kara sa pag-aakalang may date silang dalawa.

Kinabahan na si Carl dahil alam niyang iisang tao lang ang maaaring may kagagawan nito – si Elizabeth – ang dati niyang nobya na hanggang ngayon ay patay na patay pa rin sa kanya.

At ano ang matutuklasan ni Elizabeth sa katauhan ni Kara na ikagugulat nito?  At sino itong magiging malaking hadlang na naman sa pagiibigan nina Kara at Carl?

Abangan ang mga kapana-panabik na eksena ngayong linggo sa Kokak na pinagbibidahan ni Sarah Lahbati with TJ Trinidad and JC Tiuseco, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Pero teka lang, gusto ko lang i-share sa inyo ang sinabi sa akin ng isa nating friendship, si Kuya Arnold ng Meralco Village, Angono, Rizal, gandang-ganda kasi siya kay Sarah Lahbati, bukod pa sa napaka-sexy ng bagets.

At ‘yan daw ang dahilan kung bakit sinusubaybayan niya ang Kokak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang gandang bata. Ang tangkad. Tsaka magaling din siyang umarte,” say ng super fan ni Sarah na feeling namin ay may halong pagnanasa! Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending