PBB Housemate ibinuking ang lihim ni Kathryn, ipinaretoke ang mukha | Bandera

PBB Housemate ibinuking ang lihim ni Kathryn, ipinaretoke ang mukha

Alex Brosas - June 18, 2014 - 03:00 AM


Tiyak na mainit nang pinag-uusapan ngayon sa showbiz itong si Jane Oineza. Kasi naman, ibinuking ni Jane sa isang reality show na nagpaayos ng cheekbones si Kathryn Bernardo.

Napanood namin ang unaired video (live stream) ng conversations ng ilang housemates na ipinost ng isang Facebook fan page site at naloka kami sa revelations ni Jane.

Jane was doing her make-up when fellow housemates talked about their idols na mga bagets. Merong nagsabing nagustuhan nila si Julia Barretto at meron namang kay Kathryn Bernardo.

Nauwi sa tanungan ang chikahan, napunta ang usapan sa paggu-gluta ni Kathryn kaya ito pumuti. When someone asked Jane kung true na nagparetoke ito ng cheekbones ay “oo” ang naging sagot ni Jane.

Pinasarado pa nga ni Jane ang pinto bago niya si-nabing nagpaayos si Kathryn ng cheekbones. As Jane was trying to explain na ‘yung ilong ni Kathryn bata pa lang ay matangos na, biglang may pumasok kaya naputol ang kanilang usapan.

Naku, lagot si Jane nito kay Kathryn. Tiyak na masasabon siya ng mga taga-Dos dahil sa kanyang pambubuking. Para sa amin, obvious na ang laki nang iginanda ni Katrhyn. Unang-una, mas pumuti siya ngayon.

Hindi naman siya dating mestiza pero ngayon ang kinis na niya at ang puti-puti pa. Teka, kung true na nagparetoke ng cheekbones si Kathryn ay ano naman ang masama roon?

Pera naman niya ang ginamit niya at hindi naman pera ng ibang tao, ‘di ba? Usung-uso na ang mga retoke sa mga artista ngayon.

Actually, mabibilang mo na lang sa mga daliri mo sa kamay ang artistang hindi dumaan sa siyensiya o hindi nagpa-salamat po doctor.  That’s today’s reality among our stars.

Nagkalat na ang mga pekeng ilong, dibdib, mata, mukha at puwet sa showbiz, ‘no!

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending