Kesa mapikon, Pauleen nagpasalamat pa sa pakikialam ni Dina sa relasyon nila ni Vic | Bandera

Kesa mapikon, Pauleen nagpasalamat pa sa pakikialam ni Dina sa relasyon nila ni Vic

Ervin Santiago - June 17, 2014 - 03:00 AM


SA halip na mabwisit, nagpasalamat pa si Pauleen Luna kay Dina Bonnevie sa mga naging pahayag nito tungkol sa relasyon nila ni Vic Sotto. Naging mahinahon ang TV host-actress sa pagharap sa pang-iintriga sa kanila ng ex-wife ni Bossing.

Kamakailan  ay nagsalita si Dina hinggil sa pagiging magdyowa nina Vic at Poleng, though pinuri nito ang pagiging matapang ng isa sa mga co-host ng Eat Bulaga, pinasaringan naman nito ang magkarelasyon pati na ang dating dyowa ni Vic na si Pia Guanio.

Chika ni Dina, sana raw ay magkaroon naman ng delicadeza sina Pia at Pauleen at isa sa kanila ang mag-resign na sa noontime show ng GMA, hindi raw kasi talaga maganda na magkasama pa sa isang show ang past and present girlfriend ni Bossing.

Pero sa halip na magalit, naging bukas ang isip at puso ni Poleng kay Ms. D, sa official statement na ipinadala niya sa The Buzz noong Linggo, nag- thank you siya kay Dina sa mga papuri nito sa kanya, at dinedma ang mga negatibong pahayag niyo.

Aniya, “Our situation is a simple example of ‘The people who know you the least judge you the most.’” “That’s why I am thankful for Ms. Dina who knew what I was going through and spoke the truth.

I truly appreciate the fact that she sees my efforts,” anito. “I am grateful for her kind words and most especially for respecting my relationship with Vic. I am truly humbled,” hirit pa ng TV host-actress.

Tungkol naman sa sinabi ni Dina na umaasa siya na mananatili si Pauleen sa tabi ni Vic kapag matanda na ito, nakahanda raw ang aktres na gawin ang lahat para sa kanyang BF.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending