Gretchen nagsuplada sa party ng anak nina Richard at Sarah
RICHARD Pinlac and I roamed around the huge pavilion sa Wack Wack Golf and Country Club na pinagdausan ng birthday at binyag ng napakaguwapong kulotzking (kulot) si Baby Zion last Sunday afternoon.
Chika-to-death kami ni Pinlac sa mga kaibigan naming bisita na naroon din – siyempre mga taga-showbiz lang ang medyo familiar kami and a few good people na nakasalubong na namin in the past.
We took notice of the beautiful hair ni Tita Anabelle Rama that afternoon – sa totoo lang natawa kami nang may nagbiro kay Tita Anabelle na parang siya ang nanay ni Baby Zion dahil sa kaniya madalas magpakarga ang baby.
Nakasama namin for a while si Tita Anabelle sa table namin nina Karen Martinez and Tita Mary Tuazon, isang silent millionairess, “Baka nagsawa na sa mommy niya (Sarah Lahbati) kaya mas gusto niya sa akin na lang magpakarga. Love na love ko ang baby naming ito,” ani Tita Anabelle.
Sarap actually ng food sa party, na-enjoy ko nang bongga ang lechong Cebu na kasama sa handaan. Basta party ni Tita Anabelle, hindi nawawala ang lechong Cebu – promise!
Many were dressed to the teeth – Richard Gutierrez and Sarah looked perfect together habang ina-assist ang marami nilang bisita na kung hindi ako nagkakamali ay umabot more or less sa 500. Ruffa looked so radiant.
Maganda talaga ang batang ito. Simpatico naman ang dating ni Tito Eddie Gutierrez. As always, sweet talaga si Ramon Christopher as amin, palaging malambing ang love naming si Monching.
I saw Tonton Gutierrez from afar at nakita ko rin ang ilang cutie pairs sa party – Bela Padilla and young producer Neil Arce na super-yummy. Ha-hahaha! Richard Gomez and Lucy Torres who looked soooo fresh. “Ang adobo ko,” lambing ni Goma sa akin, nangako naman ako na ipagluluto ko siya one of these days.
And hey, hindi naman pala totoong hiwalay na sina Charlene Gonzales and Aga Muhlach dahil hayun sila – walang trace ng tampuhan. Iyon nga lang, tumaba nga si Aga kaya binulungan ko talaga siyang magpapayat na.
“Pumayat na ako nito. Kailangan ko pang magbawas ng timbang, ‘no?” sagot nito na parang hindi sure kung mataba pa ba siya. Kasama nila ang kanilang kambal na super guwapo at super ganda.
Nasa stage nu’ng dumating kami ang ilan sa mga notable personalities habang binibinyagan ng pari si Baby Zion. Miss Susan Roces always look very regal – kahit ang maliit na future president daw nating si VP Jejomar Binay was very much around.
Two meters away lang si Gretchen Barretto sa kinatatayuan namin na palakad-lakad with matching yaya pero hindi talaga siya nagbabaling ng tingin.
Medyo nakataas lang ang noo ng lola ninyo kaya naringgan ko ang isang lukaret naming friend na nag-dialogue ng, “May stiff neck ba ang babaeng iyan? Bakit parang punumpuno ng negativity ang mukha niya?
Mabuti pa yung yaya niya mukhang masaya pero siya parang nakasimangot lagi. Baka epekto iyan ng sobrang botox. Nawala na ang natural beauty niya, ‘no? Chaka na siya compared sa dati niyang itsura.”
Napa-smile na lang kami sa tinuran ng kaibigan namin about Gretchen. Kaya deadma na lang kami – doon kami nina Karen Martinez tumayo sa bandang left wing ng stage at nagkasalubong namin si Willie Revillame na nasa generous mood sa lahat ng mga kakilala roon.
Nagyakapan kami at nagbiruan. In short, all’s well na talaga between the two of us. Biniro ko siya ng, “Pupunta kami ni Richard sa Solaire.” “Totoo? Pag pumunta kayo roon sabihin niyo sa akin para maasikaso kayo at free kayo sa food.
Kahit sa Resorts World okay din tayo roon, sabihin niyo lang para mapaasikaso ko kayo,” ani Willie without admitting na suki siya sa mga lugar na ito.
Ha-hahaha! Inisip namin, ano nga naman ang pakialam natin kung tumatambay siya sa mga casino pag type niyang magpalamig, di ba? Pero sinundot namin siya ng tanong kung sila na nga ba ni Danita Paner ngayon tulad ng napapabalita.
“Hindi. Hindi totoo iyon. Once lang sila pumasyal ng mommy niya (Daisy Romualdez) sa Tagaytay at hindi na naulit iyon,” paglilinaw ni Willie na panay ang pagmumudmod ng dahtung.
“Mahalin mo na lang ako at ako na ang bahala sa iyo,” lambing nito sa akin.Sa totoo lang, na-touch naman ako sa sinabi niya. Not because meron akong aasahang ayuda from him anytime but his gesture of welcoming me in his life as a friend – we may not have been the best of friends but telling me to just love him – it means so much to me.
Anyway, masaya ang party ni Baby Zion. Bago kami umalis, dumating sina former president Joseph Estrada with son Sen. Jinggoy, “Darating din ba si Sen. Bong Revilla?” balikwas ni Karen Martinez na valid naman actually ang tanong dahil alam nating magkaibigan naman sina Ruffa at Bong, di ba?
Nagbiro kami na bakit hindi na rin pumunta si Sen. Juan Ponce Enrile para nakumpleto sana ang PDAF boys, di ba? Tawanan ang lahat sa table namin! Ha-hahaha!
Back to Greta, walang masyadong pumapansin sa kaniya – parang choice niya talaga ang maging detached sa lahat. She seems not to be talking to anyone.
Napansin namin na talagang consistent siya sa pag-feeling supladita dahil parang wala lang siyang nakikita habang naglalakad. Nakakaawang tingnan, di ba? Is that a sign of – what? Tell me para malinawan ako, sign iyon ng what, ng pagiging star? O ng pagiging super-rich? What? Tell me….whatttttttt? Ha-hahaha!
( Photo credit to gretchen official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.