'Ikamamatay ni Kris pag hindi siya nakapagsalita sa maghapon!' | Bandera

‘Ikamamatay ni Kris pag hindi siya nakapagsalita sa maghapon!’

Cristy Fermin - June 16, 2014 - 03:00 AM


Malakas ang ulan, hindi makalabas sa isang gusali ang nagtagpo-tagpong mga taga-showbiz du’n, saan pa nga ba mauuwi ang umpukang ‘yun kundi sa pagpipista sa mga isyung-showbiz?

Ang pinagpistahang issue, ang makasaysayang litanya ni Kris Aquino na “Silence is better than bullsh**t!” Nag-apiran ang lahat ng nandu’n, para bang sinasabi nila na tingnan mo nga naman, napakalakas ng loob ng aktres-TV host na magsalita ng ganu’n samantalang ang nilangisan nga niyang dila ang dapat matutong manahimik.

Wala kasing kontrol ang dila ni Kris, kung ano ang kanyang gusto ay sasabihin niya kahit pa may mga umaray diyan, kaya nga bratinella ang tawag sa kanya ng marami.

Sabi ng isang miron na nagpapatila ng ulan, “Siguro, ikamamatay ni Kris kapag hindi siya nakapagsalita sa maghapon. Kundi siya makapagpo-post ng mga pictures niya sa IG, kundi siya makapagtu-tweet, ikamamatay siguro niya ‘yun!

“Nasaan ang mga kapatid niya, asan na ang mga well-meaning friends niya, palagi na lang ba nilang kakampihan at kukunsintihin si Kris? May mga kaibigan naman siya, hindi kaya nasasabi ng mga ‘yun sa kanya na pinagtatawanan na siya ng mga kababayan natin sa mga kaartehang pinaggagagawa niya?

“Sa mga ganitong sitwasyon dapat lumalabas ang mga kaibigan niya, sila dapat ang nagpapaunawa kay Kris na sumosobra na ang kaartehan niya! Para ano pa’t naging magkakaibigan sila?” komento ng isang impormante.

Sa pagkakaalam namin ay reyna si Kris ng kanyang sarili. Wala siyang pinakikinggan, wala siyang sinusunod, basta gagawin niya kung ano ang gusto niya.

Nakakaloka ang babaeng ito, kung ano-ano ang pinagsasasabi niya na hindi niya naman tinutupad, kaya pinagtatawanan na lang siya ngayon ng ating mga kababayan.

( Photo credit to kris aquino official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending