Matteo buking, ‘MAHAL’ ang tawagan nila ni Sarah | Bandera

Matteo buking, ‘MAHAL’ ang tawagan nila ni Sarah

Julie Bonifacio - June 15, 2014 - 03:00 AM


BINUKING ni Direk Wenn Deramas ang tawagan ng magdyowang sina Mateo Guidecelli at Sarah Geronimo.  Pinost ni Direk Wenn sa kanyang Facebook account ang mensahe sa kanya ni Matteo.

At marami sa FB friends ni Direk Wenn ang nakyutan sa term of endearment na ginamit ni Matteo na obviously referring to Sarah. Every morning daw ay nagpapadala ng mensahe ng Panginoon si Direk Wenn kay Matteo.

Sumasagot din palagi ang binata ng “Good morning.” But one morning, nadagdagan ang good morning ni Matteo kay Direk Wenn.  At hinamon pa niya ang girlfriend ng aktor, “ Basahin mo ito Sarah! Hahaaa!”

Heto na ‘yung text answer ni Matteo sa pinadalang mensahe ni Direk Wenn sa kanya, “goodmorning mahal.” At sinundan agad ng isa pa niyang mensahe for Direk Wenn, “S….t direk!! Haha typo!! Hahaha –goodmorning direk!!”

Sumagot naman nang pabiro si Direk Wenn na alam na niya ngayon na mahal siya ni Matteo kaya ipo-post niya sa FB ang text message ng special someone ni Sarah.

Tila naalimpungatan si Matteo sa pagbasa sa unang mensahe sa kanya ni Direk Wenn at inakalang galing siguro ‘yun kay Sarah. Unless may iba pang babae na sinasabihan si Matteo, huh!

Obviously, sobrang in love ngayon si Matteo. Sana mabigyan din siya ng chance na makatambal si Sarah on screen or kahit mag-duet sila sa ASAP.  Nakakakilig ‘yun for sure.

And speaking of kilig, marami ang humanga sa Pop Princess nang diretsahan niyang sinabi na wala silang dapat ikahiya ni Matteo sa mga sweet photos nila sa social media.

She was quoted pa nga as saying, “E, proud naman kasi kami talaga. Oo, happy naman tayo.” And speaking of Direk Wenn, bising-busy muli ang box-office director dahil dalawang mabibigat na pelikula ang ginagawa niya ngayon – ang “Moron Five 2”  at “Maria Leonora Teresa.”

Pareho nang may playdate ang dalawang pelikula kaya kailangan talagang maglagare ng direktor. Sey namin kay Direk Wenn he’d better to get enough sleep dahil tiyak sobrang pagod ang aabutin niya.

Ayaw naman syempre ng pamilya at mga kaibigan niya na maulit ang pagsumpong ng kanyang sakit just like what happened last year. Umayon naman si Direk Wenn and he knows that health is wealth.

At saka mukhang bumalik na nga talaga ang dating kalusugan ni Direk Wenn  pagkatapos ng series of check-up niya, tutok din ang kanyang nurse sa pag-inom ng kanyang gamot.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending