Kris kinarir ang pagpapa-sexy | Bandera

Kris kinarir ang pagpapa-sexy

- January 21, 2012 - 03:00 PM

Para sa teleserye nila ni Anne Curtis

MARAMING nanghinayang na hindi umabot sa P150 million ang kinita ng “Segunda Mano” dahil hindi na matutuloy ang pangako ni Kris Aquino na mamimigay siya ng groceries sa lahat ng entertainment press na dumalo sa presscon ng pelikula nila nu’ng nakaraang taon.

For the record ay u-mabot na sa P140 million ang kinikita ng pelikula at sabi naman ng co-producer ng “Segunda Mano’ na si Edgar Mangahas (ng MJM Productions) ay nasa P138 million pa lang ang gross ng movie at hoping siya na baka nga umabot sa P150 million kapag nag-showing na sa mga probinsiya.

Kaya hindi lang mga katoto ang nanghihinayang dahil maging ang friends din niyang nag-aabang sa pa-ngakong pagti-treat niya sa Amanpulo (Palawan) ay hindi na rin tuloy.

“Hindi, pero si Joel Mercado (writer ng Segunda Mano), kasama siya sa Japan (trip) pagpunta namin (February) kasi he wrote the script, doon ko na-realize talaga na it’s a gift na matahi niya ang kuwento,” pahayag ni Tetay.


Masaya raw ang buong cast na pinangunahan nina Kris, Angelica Panganiban, Bettina Carlos at Dingdong Dantes dahil nasa pangalawang puwesto ang “Segunda Mano” sa MMFF 2011 at nakatanggap pa ng Best Actor award ang huli.

Kaya nu’ng kunan namin ng reaksiyon ang TV host-actress na magaling na raw siya manghula dahil nahulaan niya ang pagkakapanalo ng aktor, napakunot-noo si Kris.

Ang naging sagot niya ay patungkol sa tourism ng Pilipinas, “E, di sasabihin ko na di ba, 6 to7 million ang target nating tourist this year.

E, di ito ang maging prediction natin,  di ba, it’s more fun in the Philippines.”

Natanong din si Kris tungkol sa ex-husband niyang si James Yap na nakitang kasama ni Isabel Oli sa nakaraang Sinulog Festival sa Cebu  at ibinalitang officially mag-on na ang dalawa.

Matagal bago nagsalita si Kris, “Wala, why should I comment, di ba, kasi may kanya-kanya na kaming life.

I think everybody deserves a chance at happiness.  E, di good, ‘yun lang. Happy naman ang life ko, so madaling maging happy for others.”

Samantala, maraming na-gulat sa aura ngayon ng TV host-actress dahil payat na siya at 27 inches na lang daw ang waistline niya kaya naman keri na niyang mag-tuck-in.

Lukang-luka nga ang katotong Vinia Vivar, paano pa raw nakakapag-exercise si Tetay, e, may daily morning show pa siya?

“Kagabi (Miyerkules), I did 40 minutes elliptical, 8:30 at night. Ipinadala kasi sa akin ni Annette Gozon ‘yung ‘The Road’ (DVD) for me to watch.

Hindi mo kasi namamalayang you exercise kapag mayroon kang magandang pinapanood. So I do the elliptical, may treadmill, may recumbent bike, so para hindi ako ma-bore, tine-take turns ko ang machines.

“Like today elliptical, bukas recumbent bike and treadmill parang ganu’n.

Depende sa minutes, like pag pagod ako kasi ang dami kong ginawa, mga 40 minutes, pero kapag hindi ako super tired, nagpu-full hour ako, depende talaga sa work load,” kuwento ni Kris.

Marami na talaga ang nagtataka kung bakit biglang naisip ni Kris na maging physically fit dahil dati naman ay hindi siya conscious at nasulat nga namin dito sa BANDERA kamakailan na ito raw ang goal niya this year.

At pinagsabihan din daw siya ng manager niyang si Deo Endrinal, “Ano kasi, may challenge siya na, ‘pag nag-roll (taping ng bago niyang soap) tayo ng Feb. 21, kung gaano ka-fit si Anne Curtis at kung gaano ka-fit ang leading man mo, ganu’n ka rin ha!’ So sabi ko okay.”

At nang tanungin namin kung sino ang leading man niya, “Ayaw nga sabihin ni Deo, pag in-announce na lang nila, sige na, kasi papagalitan niya (Deo) ako.

Samantala, ibinuking din ni Kris na gandang-ganda siya sa naka-lunch niyang Prime Minister ng Thailand na si Yingluck Shinawatra nu’ng Huwebes at ipinakilala siya ng kapatid niyang si President Noynoy na madalas siyang nasa Bangkok.

“Ako kasi ‘yung last sa receiving line, tapos sabi ni PNoy sa kanya na, ‘Do you know that my sister is in your country so often to shoot all her commercials?’

Tapos parang she wasn’t aware na the shampoo TVC capital of Asia is in Bangkok and all the skin care products doon din sinu-shoot.

“Tapos sinabi niya (Prime Minister) na, ‘Really, why is that?’ Tapos sinabi ko, ‘Because you give tax rebates.’ Tinanong niya ako kung ilang beses, sabi ko, last year five times, tapos sabi ko, I love Bangkok, I love working with the Thai people, tapos sinabi niya sa akin na, ‘Next time you come, please let us know so we can take care of you.’Feeling ko naman ang sosyal-sosyal ko. Ha-hahaha!

“Tapos nag-googlle ako tsinek ko at nakita ko, single pa, so this is it!  Unite na natin ang Philippines at Thailand!” tawa ng tawang sabi ni Tetay.

Nabanggit ba niya ito kay P-Noy? “Hindi! Kasi siyempre magagalit na naman siya sa akin.   Ha-hahaha!”

“I’m sure mapapagalitan ako ni P-Noy na sinabi kong bagay sila, but I was so impressed talaga sa kanya, kasi elegante at may bearing, parang sosyal, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Na kapag ang presidente ng Pinas  at Thai Minister, parang na-unite tayo, o di atin na lahat ng rice, buong world. Ha-hahaha!” sabi pa ni Tetay na tawa pa rin nang tawa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending