Ayaw na raw talagang makatrabaho si Dingdong
Sa tono ng kanyang pananalita’y ayaw na yatang makapareha ni Heart Evangelista si Dingdong Dantes.
Siguro ay na-trauma siya sa pagtataray sa kanya ni Marian Rivera kaya naman ayaw na niya itong makasama sa kahit na anong project.
“Hindi na siguro” at “‘wag na lang” ang sagot ni Heart when asked by a movie scribe if there’s a chance na makasama pa niya si Dingdong.
Matatandaang may soap opera sana sina Heart at Dingdong kaya lang ay na-shelve ito dahil na rin sa away ng dalaga kay Marianita.
Obvious bang pinaningan ng network ang prime talent artist nila.
Anyway, magsasama sina Dingdong at Marianita sa isang soap na originally intended for Rhian Ramos.
Ang tanong, mag-click kaya silang dalawa gayong ang last soap nila sa Siyete ay hindi nag-rate?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.