GM Wesley So hindi na maglalaro para sa Pinas | Bandera

GM Wesley So hindi na maglalaro para sa Pinas

Mike Lee - June 09, 2014 - 12:00 PM

HINDI na magagamit ng Pilipinas ang serbisyo ni Grandmaster Wesley So sa mga malalaking kompetisyon na itinataguyod ng international body World Chess Federation (FIDE).

Nagdesisyon ang kasalukuyang No. 15 ranked chess player sa mundo na huwag ng isuot ang uniporme ng pambansang koponan nang hindi paunlakan ng National Chess Federation Philippines (NCFP) ang kanyang kahilingan na lumipat ng pederasyon.

Sa kanyang sulat para kay NCFP president Prospero Pichay na inilabas sa blogsite ni Susan Polgar, ang Polish GM na coach ni So sa Webster University, sinabi niyang kailangan niyang gawin ang desisyon nang hindi pumayag ang NCFP sa kanyang plano na lumipat ng pederasyon mula Pilipinas patungong Estados Unidos.

Noon pang 2013 sinimulan ni So ang pagkuha ng mga dokumento para sa paglipat at kailangan niya ang go-signal sa NCFP para hindi na magbayad ng 50,000 Euros (halos P3 milyon) transfer fee.

“My family has permanently moved to Canada. I now live and attend school full time in the US. I plan to reside permanently here. This is where I will have the opportunity to improve my chess and make a decent living as a professional player. I want to be able to play in top level tournaments to get to the next level,” rason ng 21-anyos na si So.

Para pahintulutan ng NCFP ay inalok niya ang sarili na maglalaro sa 41st World Chess Olympiad na gagawin sa Tromso, Norway mula Agosto 1 hanggang 15 pero hindi siya umano pinaunlakan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending