Pauleen, Pia walang paki sa patutsada ni Dina
Napa-“hayyyy” naman ang aming source nang ikuwento nitong kakaiba pa rin talaga ang taray ng isang Dina Bonnevie, isa sa cast members ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon.
Nagulat nga raw ito sa kaprangkahan at pagiging diretso ng aktres sa pagsagot ng mga tanong kahit wala ng kunek sa soap opera na kanyang kinabibilangan.
“Siyempre kami na rin yung nag-e-edit. Ha-hahaha! Mawiwindang ka kasi kung iku-quote mo siya ng buong-buo dahil kawawa naman yung mga kaibigan nating natatamaan,” paliwanag ng aming kausap.
Ang isa nga sa mga isyung tinukoy ay yung pagsasabi mismo ni Dina na kung meron daw delicadeza sina Pia Guanio at Pauleen Luna, dapat naman sigurong mag-resign sila sa Eat Bulaga.
Of course, open secret sa showbiz ang naging relasyon noon nina Bossing Vic Sotto at Pia (na happily married na sa isang non-showbiz guy) at ngayon nga ay sina Bossing at Pauleen naman.
Though noon pa maraming nagpapasaring at nagsasabing hindi raw magandang tingnan at panoorin sa araw-araw ang tila nakakailang na sitwasyon, dinedma nga ito ng mga taong involved, much more ng nagpapatakbo ng show.
Nabubuhay lang kumbaga ang isyu kung meron ngang gaya ni Dina na in all fairness has the right naman to express her opinion hindi dahil naging Mrs. Vic Sotto din siya noon, kundi naninindigan lang siya sa kanyang delicadeza value.
Pero meron namang nagsasabi na wala nang karapatang magsalita si Ms. D about the issue dahil hindi na siya kasali sa eksena. Sana raw ay nanahimik na lang siya.
Baka raw dahil dito ay biglang masira ang friendship nina Pauleen at Pia, at baka pati si Bossing ay maapektuhan. But in fairness, mukhang wala namang epek ang mga pahayag ni Ms. D sa tatlong bida sa kuwento at mukhang ayaw na rin nilang patulan ang patutsada ng ex-wife ni Bossing.
( banderabogs file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.