Aga pinatunayang di nagtaksil kay Charlene, walang kabit na bagets
KUMALAT na social media ang mga litrato at video ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales nu’ng araw mismo ng 13th wedding anniversary nila.
Eto ang ebidensya na nagpapatunay na hindi true ang tsismis na hiwalay na ang isa sa most-well loved couples sa showbiz.
Mismong ang aktor na si Aga ang kumuha ng picture at video ng sorpresa sa kanya ni Charlene paggising ng aktor.
Ilan sa celebrity friends ng mag-asawa ang nag-post ng comments at kinilig sa effort na ginawa ni Charlene to greet her husband.
Hindi na siguro nakatiis si Aga sa tsismis na diumano’y hiwalay na sila ni Charlene.
Kesa magsalita at magpa-interbyu sila sa media, mas pinili na lang ni Aga ang mag-post sa social media sites. For sure, titigil na ang pagkalat ng tsikang hiwalay na sila ni Charlene.
Actually, prior to this ay nakausap na namin ang manager ni Aga at ang tinaguriang “Dean of entertainment press” na si
Manay Ethel Ramos.
As usual, nginiwian lang kami ni Manay Ethel na isa sa endearing gestures niya sa mga kapwa manunulat. “Kase-celebrate lang nila ng anniversary,” sabi ni Manay Ethel.
Dugtong pa niya, sobrang napakabata pa raw ng babaeng sinasabi na karelasyon daw ni Aga. Halos kasing-edad lang daw ng anak ni Aga na si Atasha ang tsinitsismis na babae diumano ng aktor. Unbelievable nga!
( Photo credit to aga muhlach official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.