Ano pa ang hahanapin kay De Lima? | Bandera

Ano pa ang hahanapin kay De Lima?

Ramon Tulfo - June 07, 2014 - 03:00 AM

DAPAT ay tanggalin si Franklin Bucayu bilang director ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa mga maraming katiwalian sa New Bilibid Prisons (NBP).

Naalis na ang superintendent ng NBP kamakailan at ilang mga guwardiya dahil sa paglalabas ng inmate na si Ricardo Camata, “kumander” ng Sigue-Sigue gang.

Si Bucayu, na isang retired police general, ay natutulog sa pansitan sa kanyang trabaho.

Sa ilalim ng liderato ni Bucayu, ilan na ang napapatay na inmate sa NBP dahil sa gang war; ang pagbibigay pahintulot sa mga maximum security inmates na magkaroon ng cellular phones; ang pagpapasok ng droga sa loob; ang pagkakaroon ng golf carts ng mga mayayaman na preso sa loob ng NBP compound; ang pagpapalabas ng mga inmates upang magpagamot (kuno); at ang pagpapapasok ng mga babaeng bayaran sa loob ng NBP upang “araruhin” ng mga mayayaman na inmates.

Kung si Ernesto “Totoy” Diokno ay natanggal dahil sa pagpapalabas kay dating Batangas Gov. Tony Leviste sa NBP, bakit di matanggal din si Bucayu?

Anong pinagkaiba ni Bucayu kay Diokno?

Napag-alaman na si Camata, na convicted drug lord, ay pinayagang mabisita ng starlet na si Krista Miller, sa loob ng kanyang selda sa NBP.

Isang oras daw na nagtampisaw sa kaligayahan itong si Camata sa piling ni Miller.

Siyempre, malaki ang binigay na pera ni Camata sa mga guwardiya at sa NBP superintendent na ngayon ay tinanggal na.

Pero bakit di pa natatangal sa kanyang puwesto si Bucayu?

Kung naghahanap pa sina Pangulong Noy at Justice Secretary Leila de Lima ng ipapalit kay Bucayu, di na dapat silang maghanap pa sa malayo.

Kung mamarapatin nila, nirerekomenda ng inyong lingkod si Juanito “Itong” Leopando, isang dating insider ng BuCor.

Si Leopando ay nagretiro noong 2008 na may malinis na record sa BuCor.

Bago nagretiro si Leopando siya’y naging superintendent ng Leyte Penal Colony, Davao Penal Farm, Iwahig Penal Colony sa Palawan at NBP.

Mahal si Itong Leopando ng kanyang mga naging superiors at kasamahan sa trabaho, at maging ng mga inmates, dahil siya’y parehas at responsible.

Si Leopando ay holder ng Ph.D in Criminology sa Philippine College of Criminology.

Ang kanyang thesis sa MA in Criminology ay pinamagatang “rehabilitation of inmates” at ang kanyang thesis sa Ph.D ay ang relocation ng NBP.

Huwag agad maniwala sina Pangulong Noy at De Lima sa aking mga sinasabi tungkol kay Leopando; magtanong-tanong muna sila tungkol kay Itong upang malaman nila ang kanyang qualifications.

Walang dahilan kung bakit pinagpapaliban pa ng Commission on Appointments (CA) ang confirmation ni Justice Secretary De Lima .

Parang personal o political sa panig ng ibang CA members ang pagbibigay ng approval ng confirmation ni De Lima.

Karamihan ng publiko ay pabor kay De Lima bilang justice secretary.

Isa siya sa pinakamagaling na naging secretary of justice.

Si De Lima ay eighth placer sa 1985 bar examinations.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano pa ang hahanapin kay De Lima?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending