Handa na bang makulong sina Bong at Jinggoy? | Bandera

Handa na bang makulong sina Bong at Jinggoy?

Jobert Sucaldito - June 07, 2014 - 03:00 AM


Hindi raw hinonor ng korte ang motion for reconsideration na inihain ni Sen. Bong Revilla para sa kasong kinakaharap niya na may konek pa rin  sa pork barrel scam.

I don’t know kung gayundin ang katayuan nina Senators Juan Ponce Enrile and Jinggoy Estrada.Pero ayon sa nakausap kong malapit kay Sen. Bong ay denied ang MR nito kaya anytime daw ay lalabas na ang warrant of arrest laban sa kaibigan nating senador.

Does this mean na ikukulong na nila si Sen. Bong anytime? Parang ganoon ang dating ng kuwento ng tumawag sa aking close sa kanya.”Bakit ganoon? Inisa-isa na ng pamahalaang Aquino ang mga di nila kaalyado?

Inuna na nilang pinababa si Gov. ER Ejercito sa Laguna, ngayon ayu si Sen. Bong naman ang isusunod nila. Then, balita namin ay si Manila Mayor Joseph Estrada naman ang pinag-iinitan nila.

Gusto nilang mapilayan ang mga kalaban nila, they consider their non-allies their kaaway. Hindi dapat ganoon, di ba? Naglalaban-laban lang dapat sila during campaigns pero after ng bilangan, dapat nagtutulungan na sila for the sake of the country.

Bakit ganoon sina P-Noy?  “Natatakot ba silang mangamote ang mga kapartido nila sa 2016? Ganoon lang talaga sa pulitika. Merong mga kakampi silang mabango sa tao at meron ding taga-oposisyon na gustong ihalal ng taumbayan.

Bakit nila pinag-iinitan ang mga di nila kaalyado?” tanong ng kaibigan naming nalungkot sa balitang lumabas. Hindi ko po alam kung bakit ganoon sila.

I swear. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kaiisip kung bakit. Kaya napagod na ako sa kaku-comment. Promise.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending