Kylie umamin, si Aljur ang nakipaghiwalay sa kanya | Bandera

Kylie umamin, si Aljur ang nakipaghiwalay sa kanya

Ervin Santiago - June 01, 2014 - 03:00 AM


Kinumpirma ni Kylie Padilla na totoong nag-break na sila ni Aljur Abrenica. Sa interview ni Heart Evangelista sa Startalk, inamin ng anak ni Robin Padilla na ilang linggo na silang hiwalay ng Kapuso matinee idol.

Naging emosyonal si Kylie nang magsalita siya tungkol sa break-up nila ni Ajur, sabi niya, nag-promise siya sa amang si Binoe na hindi siya iiyak, pero hindi pa rin niya napigilan ang sarili na maluha habang kaharap si Heart.

Ayon kay Kylie, si Aljur ang nakipaghiwalay sa kanya, nasa Australia pa lang daw siya nang sabihin sa kanya ni Aljur na tapusin na nila ang kanilang relasyon.

Pero aniya, bago pa siya umalis ng Pilipinas ilang buwan na ang nakararaan ay sila pa, pero may mga problema na rin daw sila noon.

“Kami pa nu’ng bago ako umalis. Pero may mga isyu na nangyari sa buhay ko noon na nakakaapekto na sa akin personally and then work-wise and my relationship as well.

But it has nothing to do with third party,” pahayag pa ni Kylie sa Startalk. Ang tinutukoy kasing third party ng break-up ay si Geoff Eigenmann na naging leading man ni Kylie sa Adarna.

Pero dinenay nga ito ng aktres, aniya, “Me and Geoff kasi, we’re so similar. We’re both middle children, so talagang nag-click kami. Maybe people saw na talagang close kami. Nilagyan talaga nila ng malisya.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending