DEAR Aksyon Line,
Ako po si Vanessa Dominguez na nagtatrabaho sa isang t-shirt printing company sa Caloocan City.
Nais ko po sanang itanong kung bakit kahit po kinakaltasan po ako sa sahod ko sa SSS ay hindi pa rin po ako nabibigyan ng PhilHealth.
Pwede po ba ako mag-voluntary contribution? Ano po ba ang kailangan? Ano po ang dapat kong gawin?
REPLY:
Dear Ms. Dominguez:
Pagbati mula sa Team PhilHealth!
Upang maberipika po namin kung kayo ay mayroon ng PhilHealth Identification Number (PIN) gayundin ang rekord ng inyong kontribusyon, pakibigay po ang mga sumusunod na impormasyon:
Buong Pangalan:
Kapanganakan:
Tirahan:
SSS no.:
Asahan po ang
aming agarang tugon matapos naming matanggap ang mga nasabing impormasyon.
Salamat po.
Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.