Texters, Beermen magsasalpukan | Bandera

Texters, Beermen magsasalpukan

Barry Pascua - May 31, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2:45 p.m. Barako Bull vs Rain or Shine
5 p.m. Talk ‘N Text vs San Miguel Beer

NAPAWI na ang jetlag at nakapag-adjust na si Rodney Carney kung kaya’t inaasahang gaganda ang kanyang mga numero sa salpukan ng Talk ‘N Text at rumaragasang San Miguel Beer sa PLDT Home TVolution PBA Governors’ Cup mamayang alas-5 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-2:45 ng hapon ay magtatagpo ang Rain or Shine at Barako Bull na kapwa nahihirapang makaarangkada.

Si Carney ay dumating bilang kapalit ni Othyus Jeffers at naglaro kaagad noong Martes kontra Rain or Shine sa Alonte Sports Stadium sa Biñan, Laguna. Siya’y nalimita sa 13 puntos.

Nagkaganoon man ay nagwagi pa rin ang Tropang Texters, 83-81, sa pangunguna nina Jimmy Alapag at Niño Canaleta na kapwa nagtala ng 15 puntos at Larry Fonacier na gumawa ng 14. Ang Talk ‘N Text ay may 2-1 record.

Naniniwala si coach Norman Black na bubuti ang 30-taong gulang na si Carney na nakapaglaro ng kabuuang 299 games sa apat na koponan sa NBA.

Ang iba pang inaasahang makakatulong ni Carney ay sina Kelly Williams, Ranidel de Ocampo, Jason Castro at Harvey Carey.

Ang San Miguel Beer ay nasa ikalawang puwesto sa kartang 3-1. Ang Beermen, na pinangungunahan ni Reggie Williams, ay natalo sa Alaska Milk, 94-87, sa kanilang unang laro.

Pero nakabangon sila’t nagposte ng tatlong sunud-sunod na panalo kontra sa Rain or Shine (97-92), defending champion San Mig Coffee (92-90) at Barako Bull (115-112).

Katuwang ni Williams sina June Mar Fajardo, Arwind Santos, Chris Ross, Chris Lutz at Solomon Mercado. Ang Elasto Painters at  Energy ay kapwa may iisang panalo sa apat na laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa import matchup ay magtutuos sina Arizona Reid ng Rain or Shine at Eric Wise ng Barako Bull.

( Photo credit to inquirer news service )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending