Lola ni Deniece, Roxanne bigo sa planong pang-uurot kay Vhong
Nakakaawa naman si Vhong Navarro, siguradong gusto niyang magbigay ng reaksiyon tungkol sa mga lantarang pambabastos na nararanasan niya ngayon, pero lalaki siya. Wala siyang magawa.
Mataas ang pagrespeto natin sa mga kababaihan, kasabihan na nga na ang babae ay larawan ng ating ina, kaya kahit pa gusto nang sumabog ng ating puso dahil sa pambabastos ng babae ay wala tayong pamimilian kundi ang tanggapin na lang ‘yun at manahimik na lang.
Nakakahiya ang inasal ng isang Roxanne Cabanero sa katatapos lang na pagdinig sa piskalya ng kasong rape na isinampa ng isang stuntwoman laban kay Vhong, kung bakit nandu’n din ang babae at ang pa-milya ni Deniece Cornejo ay tanging sila lang ang nakakaalam, pero walang tumatanggap sa kanilang kaechosang katwiran na napadaan lang daw sila sa Hall Of Justice ng Kyusi.
Pagkatapos ng hearing ay akma nang sasakay sa elevator si Vhong, pero biglang umeksena ang frustrated actress na si Roxanne Cabanero, sumigaw ito ng “Rapist! Rapist!” patungkol sa actor-dancer-TV host kasunod ang pagbabato nito ng suot-suot na shades kay Vhong.
Sayang na shades, sabi ng mga kasabay naming nanonood ng video ng kaguluhan, pero mas matindi ang pagpuna ng ating mga kababayan tungkol sa kagaspangan ng ugali na ipinakikita ng babaeng ito pati na ng lola ni Deniece.
Ipinaubaya na nila sa piskalya ang reklamo nila laban kay Vhong Navarro, nagsumbong na sila sa husgado, pero bakit hanggang ngayon ay nagpapakita pa sila ng hindi napapanahon at hinihinging panggagalaiti sa aktor?
Nakakaawa si Vhong Navarro dahil wala siyang magawa, hindi niya puwedeng patulan ang mga babaeng nambabastos sa kanya, ‘yun ang gustong mangyari nina Lola Florencia at Roxanne Cabanero para magamit na naman nilang armas ‘yun laban sa aktor.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.