Banta ni Claudine sa ‘Killer’: Malalaman din namin ang totoo, kaya humanda sila! | Bandera

Banta ni Claudine sa ‘Killer’: Malalaman din namin ang totoo, kaya humanda sila!

Cristy Fermin - May 30, 2014 - 03:00 AM

CLAUDINE AT GRETCHEN BARRETTO , RAYMART SANTIAGO

Nagsadya sina Claudine Barretto at Attorney Ferdinand Topacio sa CIDG nu’ng Martes nang umaga para ipa-blotter ang nagpakalat ng kuwentong patay na ang aktres.

Ayon sa abogado ni Claudine ay may mga paraan na ngayon para matumbok ang pinakaugat ng anumang impormasyong lumalabas sa social media, kaya may malaking posibilidad na malaman nila kung sino ang tunay na nagpakalat ng kuwentong-kutsero tungkol sa pagkamatay ng aktres.

Sabi naman ni Claudine, “Hindi ko alam how some people can easily fabricate things. Salamat, dahil pinahahaba n’yo ang buhay ko sa maagang pagpatay sa akin. Pero hindi kami titigil.

“Malalaman din natin in time kung sino talaga ang gumagawa ng ganito, kaya prepare,” malumanay pero galit na pahayag ni Claudine.

Sabi na nga ba at madadamay at madadamay sa isyu sina Gretchen at Marjorie, may mga tagasuporta kasi si Claudine na nagpapalagay na ang kanyang mga kapatid ang pinagsimulan ng nasabing balita, matindi raw kasi ang kagustuhan ng magkapatid na makitang nakasubsob sa lupa ang bunso nilang kapatid.

Parang hindi naman kayang kunsensiyahin nina Gretchen at Marjorie ang ganu’n kasakit na biro, kahit pa magkakaaway sila ay hindi naman siguro makakayang matamisin ng magkapatid ang makitang nabubulabog ang buhay ng kanilang bunso, magkakadugo pa rin sila sa kabila ng lahat.

At lalong hindi makakayang gawin ni Raymart Santiago ang patayin ang ina ng mga minamahal nitong anak, hindi talaga, malayo ang posibilidad na ‘yun sa pagkatao ng nakahiwalay na mister ni Claudine Barretto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending