Ate Vi for President sa 2016: Oa kayo! gusto n'yo kong tumanda agad 'no?! | Bandera

Ate Vi for President sa 2016: Oa kayo! gusto n’yo kong tumanda agad ‘no?!

Julie Bonifacio - May 28, 2014 - 03:00 AM

Kinumusta rin namin kay Ate Vi ang isa pa niyang anak na si Ryan Christian, palagi na lang kasing si Luis Manzano ang napag-uusapan kapag naiinterbyu siya, kaya naisipan naming itanong kung ano na ang nangyayari sa kanyang bunsong anak.

May girlfriend na ba siya? “Basta masaya rin ‘yung anak kong ‘yun. Ayokong magkuwento, basta, oo. Baka kasi sisihin ako ng anak ko na sinabi ko, my God! Ha-hahaha!

May balak din ba siyang pumasok sa showbiz? “Aral muna, magkokolehiyo na siya this coming school year, e.” Dito ba siya mag-aaral ng college o sa ibang bansa? “Paparamdam muna namin sa kanya ‘yung.

Dapat ma-experience muna niya ‘yung college dito. Now, kapag prepared na siya, saka siya pwede sa abroad. Nag-check kami nu’ng nasa States kami.

“Tsinek naming ‘yung UCLA, USF something. And then, gusto naming i-check itong sa London, ‘yung school doon. Si Ralph is very particular sa education ni Ryan. Pero gusto muna namin ipa-experience ‘yung aral dito sa kolehiyo.”

Ano ang course ni Ryan? “Business Management. Imagine, kolehiyo na (si Ryan).  Naalala ko noon during Vilma days huminto ako para magbuntis, ngayon kolehiyo na ang anak ko.”

Speaking of politics, marami na bang political leadrers ang lumalapit sa kanya para tumakbo sa mas mataas na posisyon come 2016?  “Wala, nagpapasabi lang sila.

Pero wala, e. I didn’t even declare na, hindi naman interesado, wala akong plano, wala, e. ‘Yung para sabihin na, ‘A, paplanuhin ko ‘to for my next position, wala talagang ganu’n,” pahayag pa ng aktres-politician.

Hindi kaya siya na ang hinihintay ng mga Pinoy para umusad  pataas ang ekonomiya ng bansa? “Naku, OA kayo. Gusto ninyo akong patandain ‘no?”

Sabi namin, kung sakali mang mahalal siya bilang pangulo ng Pilipinas, nandiyan naman ang mister niya na si former Sen. Ralph Recto para tulungan at gabayan siya, “Ahh, yeah. He’s my mentor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

That’s one thing na meron ako na wala sila, I think. Well-guided ako ni Senador.”

( Photo credit to EAS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending